Advertisers

Advertisers

AMBS NETWORK MAGBUBUKAS NA SA SEPTEMBER

0 249

Advertisers

Ni BETH GELENA

SA isang esklusibong panayam sa TV host na si Willie Revillame, sinabi niyang magbubukas na raw ang AMBS network na pag-aari ni dating senador Manny Villar sa September.
Si Kuya Wil ang naatasan na lahat ng mga impormasyon mula sa AMBS ay kay Kuya Wil lang daw manggagaling para maiwasan ang fake news.
“AMBS will be on air by September,” pahayag ng TV host tungkol sa bagong television network na lilipatan niya at ng kanyang game show.
Sunud-sunod na ang mga meeting ni Kuya Wil at ng AMBS executive na si Maribeth Tolentino sa iba’t ibang tao para sa paghahanda ng grand launch ng television network na mapapanood din ang lahat ng programa ng Channel 2.
Nu’ng June 24 ay nag-test broadcast na ang AMBS hudyat sa nalalapit na pagbubukas ng network na pag-aari ng Villar family.
May photos na ibinahagi ang TV host na kasama sina Randy Santiago at Manny Villar.
May importante siyang posisyon sa AMBS kaya siya ang punong-abala sa pagbuo at pagpili ng mga concept para sa mga programa ng kanyang bagong homestudio.
Nakipag-usap na rin daw sina Kuya Willie at Tolentino kay Boss Vic del Rosario, ang Presidente -CEO ng Viva Entertainment kaya inaasahang magkakaroon ito ng partnership sa AMBS.
Kasama niya sa meeting sina Boss Vic, ang Viva executive na sina Veronique del Rosario-Corpus at kapatid nitong si Vincent del Rosario, Jr.
***
***
KARLA NAKALUTANG ANG PLANO SA PAGBABALIK-SHOWBIZ
Si Karla Estrada ang guest ni Kaladkaren sa kanyang YouTube Channel.
Ani Kaladkaren sa celebrity momshie, “After (2022 elections) parang wala na, wala ka nang ginagawa?”
Pag-amin niya na pinag-iisipan daw niya ang susunod na hakbang na gagawin.
Nakalutang daw ang lahat ng plano niya sa kanyang pagbabalik-showbiz.
Si Karla ay tumakbong third nominee ng Tingog Party-list nitong 2022 elections.
Winner naman ang party-list na sinamahan ni Karla kaya lang dalawang seats lang sa chamber ang makakaupo.
Hindi nakaabot si Karla dahil siya ang third nominee ng Tingog.
Tanong pa ni Kaladkaren kung ipagpapatuloy ba niya ang kanyang pagso-showbiz o itutuloy ang mga pagtulong sa kinabibilangan niyang party-list?
“Very early to tell or to say kung ano yung next step, di ba…” ani Karla.
“But definitely hindi naman tayo puwedeng mawala na sa showbiz dahil karugtong na ng pusod ko iyon.”
Pero wala siyang binanggit na specific details ukol sa kanyang pagbabalik-showbiz.
Kinumusta rin si Karla pagkatapos ng election season.
Sambit ng ina ni Daniel Padilla, “Parang tumahimik ang mundo ko. Sabi ko, ‘Ano nang nangyayari?’
“After [election] parang wala na, wala ka nang ginagawa.
“‘Yun pala, ito yung time na tinatawag nilang transition.
“So, sa transition time after three months of campaigning, parang nakaka-anxiety attack yung feeling.”
Hindi raw kasi siya sanay ng walang ginagawa.
Binanggit ni Karla na may TV network na naghihintay sa kanya.
“There’s network that’s just waiting for me na kung okay ako do’n, okay ako dito…”
Hindi niya binanggit ang TV network na tila may offer sa kanya, pero bago ang eleksyon ay highly identified siya as a Kapamilya.
Pag-amin niya, “Hanggang sa oras na ito, nakalutang yung lahat ng plans ko because I still don’t know anong nangyayari pa.”
“But of course, it’s just waiting game.”
Hindi lang siya sanay na walang trabahong ginagawa.
“Siguro dahil workaholic kasi tayo sobra, hindi lang ako sanay ng walang ginagawa, e, parang isang buwan nang walang ginagawa.
“Nag-a-adjust and patience. Ito yung parte ng buhay ko talagang kailangang lagyan ng maraming maraming pasensiya,” paliwanag ni Karla tungkol sa kanyang susunod na plano.
Bago ang election, si Karla ay regular host sa Kapamilya daytime talk show, ang Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
Susog naman ng isang netizen, “may babalikan pa ba siya?”
***
MAROON 5 MAY CONCERT SA MOA SA DECEMBER 8
Hindi lang ang Korean-American rapper na si Jessie ang bibisita sa bansa this coming September.
Sa December 8 ay naka-set naman ang Maroon 5 na mag-perform sa MOA Arena.
Inanunsiyo ng American chart-topping band sa kanilang website ang muling pagbisita sa bansa.
Last na nag-perform sina Adam Levine at ang kanyang kasamahan sa bansa nu’ng March 2019 na sa MoA Arena rin ginanap.
Levine and co. also have stops in Singapore, Seoul, Tokyo, Osaka, and Bangkok.