Advertisers

Advertisers

Ayuda sa estudyanteng kabilang sa indigent na pamilya, pinangunahan ni Mayor Honey

0 245

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pamimigay ng ayuda ng lokal na pamahalaan sa mga estudyanteng kabilang sa mga indigent families.

Si Lacuna ay inasistehan ni Manila’s department of social welfare head Re Fugoso. Umabot sa halagang P3,370,000 ang naipamahagi ni Lacuna sa 674 beneficiaries na nagmula sa iba’t-ibang distrito ng lungsod.

Ang ayuda ng pamahalaang lungsod ay pasok sa ilalim ng Educational Assistance Program (EAP), ito ay isang locally-funded regular program sa ilalim ng MSWD.



Layunin nito na magkaloob ng P5,000 financial assistance para sa mga edukasyunal na pangangailangan ng mag-aaral na nabibilang sa marginalized families sa Maynila.

Sinabi ni Lacuna na ang mga recipients na tumanggap ng ayuda sa San Andres Sports Complex ay ang mga sumusunod: District 1 na may 388 beneficiaries, P1,940,000; District 4 na may 150 beneficiaries, P750,000; District 6 na may 136 beneficiaries, P680,000.



Ayon naman kay Fugoso, ang criteria sa pagpili ng mga beneficiaries ay magmumula sa mga enrolled students mula elementary hanggang Grade 11 at dapat na nagmula sa indigent families.

Idinagdag pa nito na ang mga requirements para mapabilang sa programa ay ang mga sumusunod: social case study, barangay certificate of indigency, certificate of enrollment at picture ng bata kasama ang magulang o mga magulang. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">