Advertisers
Bukod sa pagiging mga gambling lord sa buong Maynila, pinasok na rin ng mga ito ang fake diploma mill at iba pang pinepekeng mga dokumento tulad ng driver’s license, OR-CR at iba pa.
Hanggang sa kasalukuyan ay namamayagpag pa rin itong si Alvin Quiapo at ang kasosyo nitong si Badjing Flores alyas Dragon sa buong lungsod partikular na sa Quiapo, Sta. Cruz, Binondo at Tondo.
Tinatayang umaabot daw ng milyon ang kubransa ng mga ito araw-araw sa sugal na “easy-two” at “jueteng” na hayagang nilalaro na para bang legal.
Malakas daw ang kapit at koneksiyon ng duo kaya hindi ito masaling at mapaki-alaman ng mga awthoridad lalo na ang kapulisan na may hurisdiksiyon sa mga nasabing lugar.
Timbrado na umano ang mga ito kaya nakakapagpataya ng libreng-libre sa halos lahat ng mga kalye ang mga kubrador na aabot daw ang bilang sa 300. May pwesto pijo rin daw na kung saan meron bahay na inuupahan araw-araw.
Untouchable at para bang bawal hulihin ang illegal na aktibidad nitong si Alvin at Badjing. Natural, huhulihin mo ba naman ang mga ito kung nag-bibigay ng payola weekly.
Maliban sa mga pulis, kasama rin daw sa weekly payroll ang ilan opisyal ng barangay mula chairman, kagawad hanggang tanod na nagsisilbing security at mga arbiter sakaling may gulo o anumang problema.
Hindi pa rin daw kuntento sa kanilang mga sugalan itong tandem nitong si Alvin at Badjing kung kaya’t ultimo gawaan ng pekeng mga diploma at iba pang dokumento ay pinasok na rin.
Ang mga gawaan ng mga pekeng dokumento ay pina-hawakan naman umano ni Badjing sa kanyang asawang si Henry alyas Hepe na sinasabing isang dating pulis.
Matatagpuan ang pwestong ito ni Henry sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue hanggang Quiapo at may ilan din sa parte ng Sta. Cruz.
Tulad ng sugal na “easy-two” at “jueteng”, ang fake diploma mill ay nag-ooperate dinna para bang legal at lisensiyado, matic na timbrado rin ang mga pwetong ito.
Sistemado at organisado ang patakbo ng negosyo ng mga ito. Bawal hulihin, abalahin at lalong bawal itong mahinto o maantala man lang ng isang segndo.
Talagang kinopo na ng mag pakner na Alvin at Badjing ang lahat ng illegal under the heat of the sun. The show must go on, pera, pera lang… pwera damdamin.
Siyanga pala, napag-alaman din natin na exclusibo at puro babae pala ang mga kubrador ng easy two at jueteng ng duo. Istilo daw ito ni Badjing para lumakas ang kubransa.
Mantakin niyong puro bata at pawang mga sexy daw ang mga kubrador na ito kung kaya’t aliw na aliw daw ang mga puntos at mananaya, eh di WOW!!
Ito malamang ang dahilan kaya binansagan at binigyan ng alyas na ‘DRAGON” itong si Badjing na sexy pa rin daw at may asim pa. Bukod dito, smart and brilliant din daw.
Malaki ang posibilidad na libang at aliw na aliw din ang ating mga kapulisan sa mga ebony… he… he… he…