Advertisers

Advertisers

NOMINASYON NI LOTILLA SA DOE MAY DEPEKTO!

0 1,558

Advertisers

Kung ang ENERGY SECTOR ay nahaharap sa krisis ay nahaharap din ngayon ang bagong nominado para mangasiwa ng DEPARTMENT OF ENERGY (DOE) na kakailanganin ang masusing pagsusuri ngayon ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.., hinggil sa sitwasyon ng nanominang si ATTY. RAPHAEL LOTILLA dahil sa mga depektong pumapaloob sa kaniyang kuwalipikasyon para maging ENERGY SECRETARY.

Sabagay, habang isinusulat ang kolum na ito ay wala pang ulat na anumang kontrobersiya patungkol kay ATTY. LOTILLA.., low-profile lang ito bukod sa taglay niyang katalinuhan.., yun nga lang ay may mga umiiral tayong batas para sa kuwalipikasyon ng sinumang manunungkulan sa anumang posisyon para sa ating gobyerno

Mga ka-ARYA.., batay sa probisyong isinasaad sa ilalim ng SECTION 8 ng REPUBLIC ACT 7638 (ACT CREATING THE DEPARTMENT OF ENERGY).., ay hindi maaaring italaga ang sinumang konektado sa isang private energy firm sa nakalipas na dalawang taon.., kesehodang corporate official, auditor, accountant o legal counsel.



Sa naturang probisyon ay sapul si ATTY. LOTILLA…, kase, nananatili pa rin pala itong BOARD MEMBER ng ABOITIZ POWER, kaya bagsak sa kuwalipikasyong legalidad ang napipisil ni PRESIDENT BONGBONG base sa idinidikta ng RA 7638 Section 8.

Heto pa ., bukod sa konektado pa sa ABOITIZ POWER si ATTY. LOTILLA ay BOARD DIRECTOR din ito ng pribadong kompanya na nagnenegosyo ng enerhiya.., na ito ay ang kompanyang ENEXOR.



Dahil sa sitwasyon ni ATTY. LOTILLA ay sinliwanag pa sa sikat ng araw na laglag ito sa requirement dahil ang nilalaman ng Section 8 RA 7638 ay…, “no officer, external auditor, accountant or legal counsel of any private company or enterprise primarily engaged in the energy industry shall be eligible for appointment as Secretary within two years from his retirement, resignation or separation therefrom.”

Kaya, hindi pa nakatitiyak si ATTY LOTILLA sa pagiging ENERGY SECRETARY dahil sa dikta ng batas patungkol sa panunungkulan sa gobyerno lalo na sa mga sensitibong posisyon.., at yan ang pinag-aaralan ngayon nina JUSTICE SECRETARY JESUS CRISPIN “BOYING” REMULLA at SOLICITOR GENERAL MENARDO GUEVARRA.., dahil sagrado dapat ang pag-iral at pagpapairal sa mga itinatakda ng ating SALIGANG BATAS lalo na sa batas na nilikhang panuntunan para sa mangangasiwa ng DOE.



Kung sa husay at talino ay walang duda dahil ang katangiang yan ay taglay ni ATTY. LOTILLA.., kasi, bukod sa kaniyang pagiging ABOGADO ay nagsilbi rin siyang ENERGY SECRETARY sa ilalim ng dating PRES. GLORIA MACAPAGAL ARROYO ADMINISTRATION noong taong 2005 hanggang 2007.

Pero, bilang abogado ay dapat alam na ni ATTY. LOTILLA na hindi siya kuwalipikado sa posisyong inalok sa kaniya.., dahil may conflict of interest sa kasalukuyan niyang sitwasyon hinggil sa pagiging opisyal nito sa ABOITIZ POWER at ENEXOR.

Hindi po ako abogado at lalong hindi ako kabilang sa mga eksperto.., na ang mga naipupunto ko ay base sa pansarili kong pananaw at mga natutunan sa larangan ng aking propesyon. Sa pagkakaintinde ko ay naging kalakaran sa ENERGY INDUSTRY ang pagkuha ng mga nagretirong opisyal ng DOE.., para isulong ang imahe ng isang POWER COMPANY tulad ng ABOITIZ POWER at ang hindi katanyagang ENEXOR.

May naalala akong artikulo sa INQUIRER na nabasa ko nitong nakaraang taon mula sa panulat ng bantog na FINANCIAL ADVISOR na si MA. AURORA “BOOTS” D. GEOTINA-GARCIA ng MAGEO Consulting Inc. ay pinaliwanag niya kung ano ang Independent Directors.

“An Independent Director is a person who, apart from shareholdings and fees received from the corporation, is an independent of management and free from any business or other relationship. They can provide chairpersons and chief executives with counsel and advice—and a different perspective—on matters of concern.”

Kaya naman karaniwan ding ginagamit ang isang dating DOE official para isulong ang kanilang interes sa departamentong may saklaw sa kanilang negosyo at sa kaso ni LOTILLA na naging DOE SECRETARY.., e hindi mahirap sa isang energy company na kumonekta sa mga tamang tao sa hangaring isulong ang kanilang negosyo.

Yan ang tumatagos sa pananaw ng ARYA na kung maipagkaloob kay ATTY. LOTILLA ang pagiging DOE SECRETARY e malaking bentahe para sa kapakanan ng ABOITIZ at ENEXOR., ika nga ay CONFLICT OF INTEREST.., na sana ay hindi magkatotoo at namamali lang ang ating pananaw.., dahil, ang marapat ay para sa kapakanan ng lahat at hindi sa interest ng iilang mga manipulador!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.