Advertisers

Advertisers

Bisaya pumreno…Ruffa at Cong. Guanzon patuloy sa bardagulan

0 296

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

TILA hindi pa matatapos ang patutsadahan sa pagitan nina Ruffa Gutierrez at Congresswoman Rowena Guanzon.
After na ibuking ng nasabing congresswoman na pinalayas umano ng aktres ang dalawa nitong katulong sa kanyang house sa Ayala Alabang, itinanggi naman ito ng kampo ng It’s Showtime Sexy Babe judge.
Lately, nagkaroon pa ng patutsadahan ang dalawa nang may ipinost si Ruffa tungkol sa mga taong pinipilit na sirain ang kanyang kredibilidad na sinagot naman ng pasaring ni Guanzon na pinag-iingat ang lahat sa mga taong kunwaring mabait, madrama at pa-victim.
Lalo pang lumawig ang kontrobersya nang may komento si Ruffa tungkol sa mga estudyante o taong nag-aral sa mga prestihiyosong unibersidad pero asal kanto kung umasta na ipinalalagay na patungkol sa congresswoman.
Ganti naman ni Guanzon sa patutsada nito, hindi raw lahat ng nananalo ng award ay magaling kundi ang iba ay scam.
Dahil dito, napa-throwback tuloy ang mga marites sa MMFF scam na kinasangkutan noon ni Ruffa.
Nakisalo na rin sa gulo ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama na may pinarunggitan siyang chismosang marites na umaaktong CCTV sa buhay ng kanyang unica hija.
Bagama’t hindi niya pinangalanan, sinabi pa niya sa pinatatamaan na asikasuhin na lang ang kaso nito at huwag makialam sa buhay ng anak.
Tinawag din nitong papansin ang kanyang pinapatutsadahan na baka may ilusyon daw na mag-artista kaya nagpapapansin.
Nag-isyu rin ng statement ang legal counsel ni Ruffa na nagbabala rin sa mga nagkakalat ng fake news tungkol sa aktres.
Hindi naman inurungan ito ni Guanzon at iginiit na hindi siya purveyor ng fake news.
Recently naman, may isang video na nag-circulate na tinanong ni Ruffa ang inang si Annabelle kung ano ang message nito kay ‘girl Guanzon” na obviously ay tumutukoy sa congresswoman.
Sagot naman ni Bisaya: “Hay, Naku, no comment.”
Sa huling video, maraming kibitzers ang nagsasabing patuloy ang pang-iinis ni Ruffa kay Guanzon samantalang ang mataray na ina nito ay prumeno na sa congresswoman.
Obserbasyon ng kibitzers, marahil daw ay napagsabihan si Bisaya na manahimik na lamang lalo pa’t isang abogada at isang mambabatas ang binabangga nito na beterana rin sa bardagulan.
Kaloka naman ang latest post ni Guanzon kay Ruffa sa tweet nitong “Take it, Take it, dai.”