Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BIGLANG pumatak na lang ang luha ni Angelica Panganiban na soon to be mother.
Ibinahagi nito ang mga latest picture niya.
Kasama na sa pagbabahagi sa kanyang socmed ang pag-aayos nito sa magiging kuwarto ng anak.
Napaluha na lang si Angelica habang inaayos nito ang magiging tulugan ng kanilang panganay ni Gregg Homan.
Sa caption nga ni Angelica ay masarap nga raw sa pakiramdam ang pagiging buo at may nagmamahal.
Sa kabila na mahirap, nakakapagod at natatakot si Angelica ay di naman mababayaran ang kasiyahan na nadarama nito ngayong malapit na siyang maging ganap na ina.
Nagbalik-alaala naman si Angelica na dapat daw ay may project siya na My Papa P with Piolo Pascual.
“Natuwa naman ako dahil walang pamimilit na mga kasamahan ko sa project kumbaga nirespeto nilang lahat ang desisyon ko na quit muna at bibigay ang atensyon sa bunga ng aming pagmamahalan ni Gregg.”
***
SA tagal na rin ni Bela Padilla na nananatili sa London na isang taon na rin ay maraming nagtataka na netizens kung paano ba naa-afford ng producer-actress-director-writer ang mga gastusin.
Kaya naman kapag natatanong si Bela, lagi nitong sagot ay jobless siya.
Sa kabila na wala nga raw itong work ay sandamamak naman ang raket nito.
At nakikipag-collaborate siya sa kanyang friends na may negosyo doon.
Sa post kasi nito sa kanyang IG na nakalublob ito sa dagat habang nakatalikod.
Napa-react ang netizens na di naman daw mukhang jobless ang datingan ni Bela sa London.
Till now ay waiting pa rin ito kung kailan sisimulan ang shooting nito sa Viva na siya rin ang sumulat.
Sa pananatili ni Bela sa London kahit jobless ay tila okey naman ang buhay nito sa U.K.
Well, well, well…’Yun na!