Advertisers

Advertisers

Rozz Daniels balik-Pinas para i-promote ang 1st album; guest din sa show ni Ivy Violan sa September, 2022

0 696

Advertisers

NGAYON pa lang ay excited na si International Performer Rozz Daniels sa muling pag-uwi dito sa bansa sa September, 2022 para ipromote ang kanyang unang album under Viva Records.
Gayundin, kasama si Rozz sa magiging special guest sa Homecoming Concert ng OPM Icon na si Ms. Ivy Violan sa Setyembre na gumagawa na rin ng pangalan bilang mahusay na composer.
Tsika ni Rozz, dalawang shows daw ang gagawin niya sa September, dalawa sa October, November at December.
Tatagal sa bansa si Rozz hanggang January 2023 kaya mas matututukan niya ang kanyang singing career.
Matatandaang last December 2021 ay narito si Rozz at nagdaos ng isang presscon na dinaluhan ng ilang kapatid sa panulat. Kasabay nito ang pagsasagawa ng kanyang mini-show na kinatampukan ng mga anak-anakan niya sa The Rocks and Rozz Show Family na sina Jerome Sang, Harold Evangelista, Derf Dwayne at Analyn Torregosa sa direksyon ni Ronald Abad.
Nairaos na rin pala ni Rozz ang recording ng apat pa niyang kanta na ginawa sa Hush Recording Studio sa Los Angeles, California, at pawang kinompos ni Ms. Ivy Violan.
Ang mga nasabing kanta ay Bakit, Song for Love, Pieces of Heart, Usahay at ang nauna nang Alay Sa Yo.
Bukod pa riyan, nakapag-record na rin ang international singer ng isang OPM Christmas song na tiyak na aawitin niya sa guesting niya sa show ni Ms.Ivy.
Abangan din ang announcement ng gagawing solo show ni Rozz para mai-promote nang husto ang kanyang debut album.