Advertisers

Advertisers

Hindi dapat tapon dito, tapon doon

0 376

Advertisers

Sooner or later, we will have to recognize that the Earth has rights, too, to live without pollution. What mankind must know is that human beings cannot live without Mother Earth, but the planet can live without humans. — Former Bolivian president Evo Morales

TUNAY na gagawin ng bagong administrasyong Marcos ang lahat ng paraan upang makalikom ng pondo ngayong nahaharap ang Pilipinas ng sanlaksang problema mula sa kakulangan sa pagkain, pagtaas ng mga pangunahing bilihin, kahiraapan, kawalan ng trabaho, nagpapatuloy na pandemya ng coronavirus at inflation, bukod pa sa korapsyon sa ating pamahalaan.

Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na pondo dahil anumang paraan na mababalangkas ng gobyerno sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay mangangailangan ng kalakip na pananalapi upang umusad at maipatupad para sa kapakanan ng mahigit 110 milyong mga Pilipino.



At ito ang planong tutukan ni dating Bangko Sentral ng Pilipinas governor at ngayo’y finance secretary Benjamin Diokno na sa kasalukuyan ay nag-iisip ng inisyatibo para matugunan ang pangangailangang pinansyal ng bansa—hindi lamang para mapondohan ang mga mahahalagang proyekto at programa ng bagong administrasyon kundi para makapagbayad din sa ating napakalaking utang na umabot na sa 13 trilyong piso.

Kaya nga isinusulong ng ating butihing kalihim ang pagbuwis sa paggamit ng single-use plastics dahil, aniya, makakaambag din ito ng karagdagang P1 bilyon kada taon sa buong terminoi ni Pangulong Marcos Jr.



At ayon pa kay Diokno, hindi lamang karagdanag kita para sa hobyerbo ang maibibigay ng pagbubuwis sa paggamit ng plasitk dahil malaki din ang maitutulong nito sa paglaban sa usapin ng climate change, na sa ngayo’y malubhang suliranin hindi lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo.

Batay sa datos mula sa World Bank, ang produksyon ng mga plastic sa ating b ansa ay nakadagdag ng US$2.3 bilyon sa ating ekonomiya noong 2018. Karaniwan sa bumibili ng mga kagamitan at produktong single-use plastic ay ang mahihirap at middle-class na mga Pinoy dahil karamiwan ding isinisilid sa mga plastic sachet anbg kanilang binibiling mga pangangailangan sa kanilang tahanan kaya nga an gating bansa ay tinukoy na isang ‘sachet economy’ ng ilang mga paham. Dangan nga lang ay sanhi nito, tambak at parami nang parami ang tambak na basura at umaabot na toi sa ating karagatan dahil marami sa ating mga kababayan ang itinatapon ang kanilang plastic na basura sa mga ilog, estero at maging sa mismong karagatan. Particular na sa makasaysayang Ilog Pasig at Look ng Maynila o Manila Bay.



Kikita ang pamahalaan sa pagbubuwis sa single-use plastics subalit walang malinaw na nakikita kung paano masosolusyunan ang plastic pollution. Tiyak­ na patuloy ang produksiyon ng plastic kahit pa taasan ng buwis. Dapat magkarooon din ng kampanya ang pamahalaan kung paano maitatapon nang ma­ayos ng mamamayan ang mga plastic upang hindi maapektuhan o masira ang kapaligiran. Hindi tapon dito, tapon doon.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!