Advertisers

Advertisers

PBBM sa DOH: Ibigay ang benepisyo ng health workers

0 294

Advertisers

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na tiyaking maibigay ang benepisyo ng mga health workers.

Sinabi ni Vergeire, bukod sa benepisyo ng mga health workers, pinatitiyak din ng Pangulo na paigtingin pa ang ginagawang pagbabakuna kontra COVID-19 at pandemic response.

Ayon pa kay Vergeire, sisimulan na nilang busisiin kung paano mapabibilis ang pagbibigay ng benepisyo sa mga health workers.



Sa ngayon aniya, mayroon nang pondo na isinalin sa DOH’s Centers of Health Development para sa benepisyo ng mga health workers.

Kailangan lang aniya ngayon ng karagdagang pondo para mabigyan ng karampatang benepisyo ang mga health workers.



Matatandaang inanunsyo noong Huwebes ng Palasyo ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong Marcos si Vergeire bilang OIC ng DOH.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">