Advertisers

Advertisers

MALABO ANG P20 PER KILO NG BIGAS SA 2023 – PCGA

0 498

Advertisers

IMPOSIBLE na maipababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo sa 2023, ayon sa isang grupo.

“Malabo po siguro ‘yang 2023 na ‘yan. Kasi kung titingnan niyo po buong mundo po ngayon nagkakaproblema tayo sa mga pataba o mga ferti-lizer. Nagiging doble o triple na po presyo,” sabi ni Philippine Confederation of Grains Association (PCGA) president Joji Co sa panayam ng DZMM TeleRadyo.

Nagkakaroon din, aniya, ng kakulangan ng suplay sa pataba dahil sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.



Sinabi ni dating Agrarian Reform Secretary Bernie Cruz na puwedeng ibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas sa 2023 sa pamamagitan ng “mega farm”.

Ayon pa kay Co, maraming magsasaka ang wala nang ganang magtanim dahil lugi at dahil narin sa patuloy na importasyon.



Matagal narin aniyang napabayaan at napag-iwanan ang grains industry sa bansa sa kabila ng pagpapalit-palit ng administrasyon.

“Natatakot ang mga rice mills na mag-invest ng malaking pera sa kalagitnaan ng administrasyon kung babaguhin ang polisiya,” ani Co.



Nitong Huwebes, tumaas ng P3 ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Ayon sa mga nagtitinda, may patong na P10 hanggang P30 ang bawat kaban ng mga biyahero dahil nagtaas ang farm gate price ng mga magsasaka.

Ramdam narin ang epekto ng sunod-sunod na oil price hike noong mga nakaraang linggo.