Advertisers

Advertisers

Xian suwerte na sa career, bongga pa ang lovelife

0 259

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KAMAKAILAN lang ay nagselebra si Xian Lim ng kanyang ika-33 kaarawan na punung-puno ng pasasalamat at pagmamahal. Pasalamat dahil sa magandang takbo ng kanyang showbiz career, one after another ang kanyang project sa Kapuso Network, after ng ‘False Positive’ serye nila ni Glaiza de Castro ay ngaragan naman si Xian sa taping ng bago niyang show katambal si Ashley Ortega, ang “Frozen Love”.
Pagdating naman sa kanyang personal na buhay ay going stronger ang relasyon nila ng gf na si Kim Chiu.
Natuwa naman ang mga supporters ni Xian sa kanyang birthday wish na ipinost ng aktor sa sariling socmed, na tila pang beauty contest answer ang nilalaman.
“Less hate no matter what your religious or political differences may be. Easier said than done but let’s do our best to not let this divide us. I wish and hope we can work as one unit, one family to work on what matters most and that is protecting each other. Dahil wala nang gagawa noon kundi tayo lang.
“Protektahan natin ang isa’t isa. Mahalin ang isa’t isa. Lend out a helping hand sa mga nangangailangan. Napakaliit ng kinikilusan natin na bansa, hindi rin sapat ang panahon na binigay para sa atin dito sa mundo. Let’s make the most out of it. Be a blessing to others,” say ni Xian.
***
IT’S now Cara Gonzales turn to shine. Yes, may launching movie na ang isa sa mga sex nymphet ng Vivamax via the movie “Purificacion” kasama sina Josef Elizalde, Ava Mendez, Rob Guinto, Kat Dovey, Stephanie Raz, Quinn Carrillo at sa direksyon ni GB Sampedro, na mapapanood na sa lahat ng Vivamax App simula sa Agosto 5.
May temang sexy-action ang “Purificacion”, palaban si Cara sa putukan, as in putok kung putok, literal na isang policewoman ang kanyang role. Sa pagdami ng mga report sa mga nawawalang kababaihan, magsisimulang mag-imbestiga si Police Inspector Gabriela Isidro (Cara ) at pilit na hahanapin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.
Hihingi pa ito ng tulong kay Fr. Ricardo (Josef) sa paniniwalang may magandang reputasyon ang pari at malaki ang maitutulong nito sa kaso. Mapapaikot ni Fr. Ricardo si Gabriela at ililigaw ang direksyon ng imbestigasyon.
Inamin ni Cara na kung naging relax na siya sa kanyang mga hot and sexy scenes ay hindi naging madali para sa kanya ang mga action scenes lalo na yung may putukan.
“Kasi first time for me to play a cop investigating a murder case. Magtitiwala ako sa ibang tao na hindi naman pala dapat pagtiwalaan. Tapos, may sexy scenes din, so dapat balansehin yung role kasi this is a very dark movie,” say ni Cara.