Advertisers
LET’S Volt In dahil aarangkada na sa 2023 ang much awaited GMA live action adaptation series na ‘Voltes V: Legacy!
Tiniyak ng batikang direktor na si Mark Reyes na worth it ang matagal na paghihintay ng viewers para sa pag-ere ng programa,”The level of expectation is really scary for us but I guarantee you that GMA spared no expense in producing the series,” ani Direk Mark sa 24 Oras.
Bibida sa remake ng ‘Voltes V: Legacy’ sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong, Radson Flores bilang Mark Gordon, at Raphael Landicho bilang Little John Armstrong.
***
Eula Valdes masaya sa pagbabalik-Kapuso
SIGURADONG mahu-hook ang Kapuso viewers sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Return to Paradise.’
Bukod sa hottest new couple na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva na bibida sa serye ay magiging parte rin dito ang batikang aktres na si Eula Valdes.
Kwento niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com, handang-handa na siya sa kanyang TV comeback sa Kapuso Network. Aniya, “Excited ako to be back with GMA kasi ang tagal na rin naman and I would like to thank GMA rin. Swak na ‘yung schedule ng paggawa ng bagong [show], kumbaga fully charged na ako.”
Kasama rin sa cast ng Return to Paradise sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon.
***
Team Jolly, muling magpapakilig sa Regal Studio Presents
MAPUPUNO ng kilig at good vibes ang Linggo ng Kapuso viewers dahil tampok ang Sparkle Sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa pinakabagong episode ng Regal Studio Presents.
Matapos bumida sa top-rating episode na ‘Raya Sirena,’ muling mapapanood ang dalawa na mas kilala bilang ‘Team Jolly’ sa episode na ‘Mind the Gap.’
Gaganap si Sofia bilang Yuki na may intellectual disability at si Allen naman bilang Ian, ang kapitbahay niyang may pagka-pasaway.
May mabubuo kayang pag-iibigan sa dalawa o hanggang friends lang sila?
Mapapanood ang ‘Regal Studio Presents: Mind the Gap’ ngayong Linggo (July 17), 4:35 p.m. sa GMA.