Advertisers
Sa seguridad ng pagnenegosyo ay napakasuwerte ng ABOITIZ at ENEXOR dahil ang nanominang maging SECRETARY ng DEPARTMENT OF ENERGY (DOE) ay ang kanilang naging INDEPENDENT DIRECTOR (ID) na senyales para lalong aarangkada ang pagnenegosyo sa larangan ng enerhiya sa ating bansa.
Mga ka-ARYA, ang ABOITIZ POWER ay isang holding company na may kinalaman sa power distribution, generation, at retail electricity services.., na Ito ay isa sa “leading providers ng renewable energy” ng bansa; samantalang ang ENEXOR naman ay isang publicly-listed company na may kinalaman naman sa negosyo sa langis at gas exploration at production, kapuwa domestically at internationally.
May batas na sumasaklaw sa kuwalipikasyon ng mga manunungkulan para sa mga sensitibong posisyon sa iba’t ibang ahensiya ng ating gobyerno na diskuwalipikado riyan ang nanominang ENERGY SECRETARY na si ATTY. RAPHAEL LOTILLA.., subalit, sa inilabas na opinyon ng DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) ay kinatigan ng kagawaran ang nominasyon sa naturang abogado na nagbitiw kamakailan bilang ID ng dalawang kumpanyang pasok sa negosyo ng enerhiya.
Gayunman, ang pagkatig ng DOJ sa nominasyon ni ATTY. LOTILLA ay taliwas naman ito sa isinasaad ng Section 8 of Republic Act (RA) No. 7638 o ang Act Creating the Department of Energy ay.., “no officer, external auditor, accountant, or legal counsel of any private company or enterprise primarily engaged in the energy industry shall be eligible for appointment as Secretary within two years from his retirement, resignation, or separation from that place.”
Ang punto ng DOJ sa posisyong ID ay.., “is not an officer based on the nature, duties, functions and responsibilities vis-à-vis the corporation he serves” base sa isinasaad umano ng REVISED CORPORATION CODE, SECURITIES AND REGULATION CODE at sa CODE OF CORPORATE GOVERNANCE.
Pero.., may artikulo sa INQUIRER nitong nakaraang taon na sinulat ng pamosong
FINANCIAL ADVISOR na si MA. AURORA “BOOTS” GEOTINA-GARCIA ng MAGEO Consulting Inc. ay pinaliwanag niya kung ano ang buod ng pagiging INDEPENDENT DIRECTOR.
Aniya, bukod sa pagiging kasosyo sa negosyo, tumatanggap din ng buwanang ganansya ang isang ID na tulad ni ATTY. LOTILLA.., na higit pa sa pagiging empleyado umano ang koneksyon ng isang ID na nagsisilbing TAGAPAYO ng mga CORPORATE EXECUTIVES tulad ng COMPANY PRESIDENT, CHIEF OPERATING OFFICER (COO) at CHIEF EXECUTIVE OFFICER (CEO).
Sa taglay na talino at eksperyensa ni ATTY. LOTILLA ay walang pasubali lalo pa’t minsan na siyang nagsilbing DOE SECRETARY sa ilalim ng ARROYO ADMINISTRATION.., yun nga lang ay may mga panuntunan sa ating SALIGANG BATAS na dapat sundin.., na bagama’t nagbitiw na sa pagiging BOARD DIRECTOR sa ABOITIZ at ENEXOR ang personal choice ni PRESIDENT BONGBONG MARCOS ay hindi pa rin ito papasa sa kuwalipikasyon, dahil ang atas ng batas ay kailangang 2-years ang lilipas mula sa kaniyang naging pagbibitiw para maging legal ang pagkakatalaga sa kaniya.
Ang mga dambuhalang kompanya ay karaniwang kumukuha ng mga dating opisyal ng gobyerno para maging kanilang BOARD OF DIRECTORS.., na karamihang inaabatan ay ang mga dating SECRETARY ng DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR).., BOARD MEMBER ng mga malalaking MINING COMPANIES at gayun din sa mga dating SECRETARY ng DOE tulad ni ATTY. LOTILLA..
Malaki kasi ang maitutulong sa kompanya ng isang FORMER SECRETARY ng departamentong may saklaw sa kanilang negosyo.., dahil kabisado na ang paikot-ikot at alam din kung kaninong pinto kakatok at sa kung sino ang puwedeng sa kanila ay umareglo sa tuwing magkakaroon ng indulto.
Ika nga, ang isang FORMER SECRETARY na BOARD DIRECTOR ng kumpanya ay may taglay ring impluwensyang kailangan para makasilat sa mga dambuhalang kontrata.
Walang dudang nasa kamay ni PRES. BONGBONG MARCOS ang pagtatalaga ng DOE SECRETARY, na ang pagkakanomina ngayon ni ATTY. LOTILLA ay asahan na ang posibilidad sa kabi-kabilang kasong isasampa laban sa kanya bilang pagtutol ng mga consumer groups.., na sawang-sawa na sa sabwatan sa pagitan ng mga tiwali sa pamahalaan at mga negosyanteng mapagsamantala!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.