Advertisers

Advertisers

KABALINTUNAHAN

0 324

Advertisers

NAKAKABAGABAG ang sa isang grupo sa social media. Ang tinutukoy ko ay ang USAPANG DISKARTE kung saan lantarang pinag-uusapan ang pedopilya. Nakakagimbal isipin na may mga taong nagtatag ng group site sa social media para makipagtagpo at makipagtalik sa mga menor de edad. Dito may nagtatanong kung paano utuin ang mga batang lima hanggang walong taong gulang, at kung paano mapapapayag ang bata na may gagawin sila. Ang nakakaalarma ay lantaran ang social media group sa pagbibigay ng payo gaya ng kailangan malaman ng bata na gusto mo siya at gusto mo siyang tusukin. Para sa akin, ang pinakanakakarimarim ay ang katwiran na okay lang ang makipag-relasyon sa isang matanda. Dahil ditto, naalarma si Senador Riza Hontiveros, partikular sa nakita niya sa isang social media site. Ani Senadora Riza:

“These horrifying photos tell us what we already know, and that an anti-online sexual abuse and exploitation of children’s law is absolutely and urgently needed. I call on the Executive to sign the Anti-OSAEC law now. Our children need the full power and protection of this measure…”

Bilang magulang, nakakasindak na nangyayari ito, at nagdurugo ang puso ko kapag inisip ang dinadanas ng mga biktima ng mga hayup na pedophile. Dito sa Asya, dinadayo tayo ng mga banyagang naghahanap ng sariwang anak upang gawing parausan ng kanilang kahayukan. Dahil dito mga bansang katulad ng Thailand at Cambodia ay nagtatag ng mga batas na uusig at bubuwag sa ganitong mga sindikato at ang kanilang mga handlers. Kumbaga sa “fight fire with fire”. Mahalagang sandata ang social media kung saan pinapasok nila ang mga website na nagusulong ng pedopilya. Bilang isang isang mamamahayag, batid ko na malimit itong mangyari sa ating bansa. Kaya nararapat na isulong ang pagsasabatas ng OSAEC, at bigyan ng pangil ang may kapangyarihan upang usigin sila, pati ang kanilang operators, mga bugaw, pati ang mga nasa katungkulan na binibili nila. Kung nagagawa ito ng karatig-bansa natin, magagawa din natin ito.



Sa mga nagsusulong ng nakakasulasok na gawaing ito heto lang ang isispin ninyo mga hayup kayo: Hindi natatapos sa pagkakulong ang maliligayang araw ninyo.

Dahil alam natin ang kahihinatnan ng mga “sex offender” lalung-lalo na ang mga pedophile sa kamay ng mga bilanggo. Nanaisin niyong hindi na kayo ipinanganak.



***

KINATIGAN pala ng Court of Appeals ang sentensya sa mamamahayag na si Maria Ressa. Dahil ditto, marami ang nagpahiwatig ng alarma at pangangamba dahil nakikita ang lantarang pag-usig sa isang mamamahayag na ginagawa lang ang kanyang trabaho. Isa lang ito sa mga pagsubok na hinaharap ng beteranang mamamahayag at Nobel Peace Prize Laureate.



Hero ang ilang pahayag. Ang una ay mula sa IFEX O international Freedom of ExpressionExchange, isang organisasyon na nakikipagtulungan para ipagtanggol at ipalawig ang malayang pagpapahayag bilang isang karapatang pantao: “Journalists should stand in solidarity with members of the media, who are wrongfully accused. The attack on one, is an attack on the institution and the entire community…”

At ito ang sinabi ng dating Secretary of State at dating Unang Ginang ng Estados Unidos Hillary Clinton noong ika-30 ng Hunyo nang malaman na ipinasasara ang Rappler: “The people of the Philippines deserve sources of news and information that will tell them the truth. Rappler, and Maria Ressa tell the truth. Shutting the site down would be a grave disservice to the country and its people…”

Si Amal Clooney, tanyag na international lawyer at kabiyak ng puso ng artistang si George Clooney ay may mahalagang mensahe sa ginawa ng mga tagausig: “Maria Ressa became the first Pilipino Nobel Laureate in recognition of her work. She should be celebrated – not thrown in jail -for it… I hope that the new Marcos administration will show the world that it is strong enough to withstand scrutiny, and allow at free press…”

Ito ang pahayag ni Norwegian Nobel Committee chair Berit Reiss-Andersen sa isang panayam nung Julyo 8: “The conviction is based on Maria Ressa’s criticism on how power is used and sometimes abused in the Philippines. The criticism voiced through Rappler is well within the freedom of expression in a democratic society. I am gravely concerned that Maria Ressa is being prosecuted for exercising her rights of expression…”

Dagdag ni Reis-Andersen: “Ressa uses freedom of expression to expose abuse of power, use of violence, and growing authoritarianism in her native country, the Philippines. As a journalist and the Rappler’s CEO, Ressa has shown herself to be a fearless defender of freedom of expression…”

Maraming mamamahayag ang nakaranas ng pahihirap sa kamay ng mga gobyernong awtoritaryo. Ang iba ay nagbuwis ng buhay alang-alang sa malayang pamamahayag at kailanman hindi maaaring maging katotohanan ang kabalintunahan. Sa mga nagpapanggap na balat-sibuyas pero mga balat-suha, heto ang payo sa inyo ni Socrates, isa sa pinakatanyag na pilosopo na nabuhay: “Slanderers do not hurt me because they do not hit me…”

Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian. Mabuhay ang malayang pamamahayag.

***

Mga Harbat Sa Lambat: “Natatawa lang talaga ako rito sa mga nagsasabi na ‘ikaw Christian Esguerra, dilawan ka.’ Excuse me, huwag kayong tatanga-tanga. Free ang research sa Google. Pwede niyo malaman ang background ng mga journalist. Kaya kung pagbibintangan na dilawan, tatanga-tanga yung ganyang perspective…’” – Christian Esguerra, mamamahayag, podcaster ng Facts First

“Too much ang regulation sa new note ng P1k… Pero nasa isip ba nila kung gaano kahirap sa Pilipino kumita ng 1k?… ” – P. Floyd de Guzman

***

mackoyv@gmail.com