Advertisers

Advertisers

Kapalpakan ng nakaraang admin kay PBBM ang latay

0 248

Advertisers

NAPAKARAMI talagang kapalpakan ng nakaraang administrasyon na ngayo’y lumalatay kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. Tsk tsk tsk…

Tulad nitong mga ibinunyag ngayon ng Commission on Audit (CoA) na napakaraming pondo ang nasayang at nawawala, mga hindi nagawa at depektibong proyekto; paglala ng problema sa West Philippine Sea, pagkabaon sa utang sa loob at labas ng bansa, tuminding pagpasok ng iligal na droga sa bansa, pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho, pagtaas ng inflation rate, at pati eleksyon sa barangay nagkaloko-loko na!

Ang mga problemang ito ay hindi puwedeng isisi kay PBBM dahil 19 days palang ngayon ang administrasyong ito.



Oo! Lahat ng problemang kinakaharap ngayon ng bansa, ng mga Pinoy, gawa ng nakaraang gobyerno na tadtad ng katiwalian at kasinungalingan. Mismo!

Sa latest report ng CoA, nabunyag na P1.9 billion ng Social Amelioration Program (SAP) ang hindi naipamahagi sa mga mahihirap na talaga namang bumaliktad ang sikmura sa gutom noong mga lockdown dahil sa pandemya sa Covid-19. Nasaan na ngayon ang pondong ito?



Nabunyag din ang ilang milyong backlog sa plaka ng mga sasakyan. Tapos nanghihingi ngayon ng P6.8 billion ang Land Transportation Office (LTO) para maayos ang license plate backlog na ito. Aba’y saan napunta ang pondo ng LTO bakit kinakapos sila? Samantalang walang libre sa LTO. Saan napupunta ang ibinabayad ng mga motorista? Dapat panagutin ang mga sangkot sa anomalya rito. Maling mali na taumbayan ang sumalo ng bulok na sistema ng ahensiya. Mismo!

Natuklasan din ng CoA ang kapabayaan ng DPWH sa 3,440 infrastructure projects na nagkakahalaga ng P245.021 billion na na-delay o hindi nagawa.



Ito’y kinabibilangan ng 437 projects na nagkakahalaga ng P10.939 billion na hindi manlang nasimulan. Yawa!

Lumustay din ang DPWH ng P11.538 billion nang wala manlang maayos at kumpletong supporting documentary requirements, sabi ng state auditors.

Ang malupet, ayon sa CoA, 369 infrastructure projects na nagkakahalaga ng kabuuang P11.860 billion ay depektibo tulad ng may malalaking bitak at hindi maayos ang masonry at structural concrete. Sa madali’t salita sub standard ang pagkagawa, mga pare’t mare!!!

Ang problema rito, sinabi ni PBBM na wala siyang paki sa anumang katiwalian ng nakaraang admin. That means libre na sa anumang kaso ang mga nanggahasa sa kaban ni Juan sa nakaraang pamahalaan. Pero ang magdurusa sa problemang ito ay ang taumbayan. Oo… ikaw, ako, kayo, tayo na taxpayers ang magbabayad sa mga kinulimbat nila, habang sila pa-relax relax nalang sa karangyaan. Yawa!

***

Araw-araw nalang ay binubuluga tayo ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mula sa pandesal, asukal, itlog, mga karne, gulay, at mga bayarin tulad ng tubig, kuryente renta sa bahay at mga permit. Gayung hindi nadadagdagan ang ating kita, sa halip ay paliit pa.

Tapos mababalitaan nalang natin ang daan daang milyon hanggang bilyones ng pondo (taxpayers money) ng bawat ahensiya ng gobyerno ang nawawala. Fuck!

Mapapangiwi talaga si PBBM sa tindi ng problemang ipinamana sa kanya. God save Philippines!