Advertisers

Advertisers

PANIBAGONG MODUS NG MGA SCAMMERS SA PAMBIBIKTIMA NG MGA KAAWA-AWANG OFWs

0 383

Advertisers

Isa na naman OFW ang biktima ng mga online scammers na ang gamit ay isang nagngangalang Kimberly Ann Lumbre sa pagpapadala ng mga pera para mabuo ang transaction sa pagitan ng seller at buyer.

Ayon sa isang OFW na nabiktima nitong si alyas Kimberly, ang pagbili niya ng mga ukay na damit para sana sa itatayong maliit na negosyo sa kanilang probinsya ay naunsiyami dahil sa pang gagago nitong si Kimberly.

Noong unang order dahil nga siyempre kailangan masubukan kung lehitimong ka-transaksyon ang kausap, umorder muna ng ilang piraso ang biktima.



Pero ayon sa kanyang mga mahal sa bahay na tatanggap ng maliit na hanap-buhay, imbes na ideliver sa bahay ay sa mismong tanggapan ng pinagpadalhan kukunin, taliwas sa naging usapan nila na idedeliver matapos maibigay ang kumpletong address. Pero dahil sa kagustuhan nga ng OFW na matuloy ang sinisimulang negosyo ay muli itong umorder dahil sa paniwalang lehitimo ang kausap dahil may dumating nga sa kanyang inorder.

Kaya agad na umorder ulit ito na mas malaking bilang kesa sa unang order nya, ngunit matapos makapagbayad ng kumpleto para sa kanilang order ay hindi na makontak itong si Kimberly. Naghinala na ang pobreng OFW kaya agad namang ipinasilip ang inorder nito sa kanyang mga magulang at nagulat na lang ito ng 25% lamang pala ang dumating.



Kumbaga sa order mo, halimbawa ay 100 libong piso, halagang 25 libong piso lamang ang dumating.

Kaya nais natin bigyan ng babala ang mga OFWs nating mga kababayan na ‘wag agad magtiwala sa mga ka-transaksyon lalo na dito sa nagngangalang Kimberly na may numero 09564366389 na gamit sa g



Gcash transaction.

At panawagan naman kay alyas Kimberly na tigilan na ang pang- gagago sa ating mga OFWs at matakot ka sa karma.

Baka bukas-makalawa ay mahuli ka na.

Hindi malayong mangyari ito dahil nakikipag-unayan na ang biktimang si Nerry sa mga awtoridad upang imbestigahan ang suspek na si Kimberly.

Ang PNP Anti Cyber Crime Division at ang National Bureau of Investigation (NBI) ay may lead na sa gamit ng celfon number ng suspek na si Kimberly na gamit din nito sa kanyang Gcash account.

Hindi titigil ang mga ahensiyang ito hangga’t hindi nahuhuli itong si Kimberly at ang mga kasapakat nitong posibleng naririto rin sa Pilipinas.

Pati ang company courier na gamit sa scamming modus na ito ay iniimbestigahan na rin.

Crime does not pay at ito ang dapat isaksak nitong kupal na si Kimberly.

May araw ka rin at tiyak na malapit na ‘yun!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com