Advertisers

Advertisers

Commanding officer ng NPA patay sa engkwentro

0 312

Advertisers

Nasawi ang isang commanding officer ng New People Army (NPA) sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mfa sundalo at rebelde sa Narobo, Surigao, Del Sur

Kinilala ang nasawi na si Arnold C. Ornales, Commanding Officer ng Guerrilla Front 14 (GF14), Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Ayon kay Maj. Alex Mindzlano, spokesperson ng Eastern Mindanao Command, naganap ang engkwentro sa pagitan ng mga elemento ng 67 Infantry Battalion at rebelde sa Sitio Dam, Brgy. Guinahalinan, Barobo, Surigao, Del Sur.



Nagpapatrolya ang mga sundalo ng masabat ang mga rebelde at nagsimula ang palitan ng putok.

Tumagal ang bakbakan ng ilang minuto na nagresulta ng pagkasawi ni Orales habang tumakas naman ang mga kasamahan nito sa iba’t ibang direksyon.



Narekober ng mga sundalo ang AK47, M4 carbine, M16 rifle, Bushmater rifle, IED at 30 meter wire

Patuloy naman ang pagtugis ng mga sundalo laban sa mga tumatakas na mga rebelde.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">