Advertisers

Advertisers

HIPON GIRL PROUD NA PINOST ANG KORONA AT PITONG SASH MULA SA BB. PILIPINAS 2022

0 358

Advertisers

Ni BETH GELENA

SA Instagram ni Herlene Budol.a.k.a. Hipon Girl, very proud niyang pinost ang heartwarming pic niya with her crown, sash ng pitong special awards na napanalunan sa Bb. Pilipinas 2022 pageant.
Nilagyan niya ng caption ang mga ito.
“KUNG KAYA KO KAYA MO DIN, wag kang matakot na ipakita kung ano ang meron ka.”
Patuloy pa niya, “Binibining hindi inaasahan because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission.”
Si Herlene ang 1st runner-up sa Bb. Pilipinas 2022
Sa kanya rin ini-award ang special awards like
JAG Queen, Binibining Silka, Binibining Shein, Binibining Kumu, Binibining World Balance, Binibining Pizza Hut 2022 at higit sa lahat Manila Bulletin Readers’ Choice Award.
Maraming nerizens ang humanga kay Hipon Girl dahil umpisa pa lang ng kanyang pagsali ay agad na siyang kinutya ng mga ito.
Pero, nagpakatotoo ang dalaga sa kanyang goal na maging isang beauty queen.
Sigurado isa sa natuwa ay ang laging bukambibig ni Herlene na si Willie Revillame.
Isa lamang siyang contestant noon sa isang sement ng programa ng TV host, ang Wowowin.
Nagustuhan ni Kuya Wil ang kanyang angst kaya kinuha siya nito para maging lady co-host ng programa na later on ay naging comedienne.
Ayon sa former beauty queen na si MJ Lastimosa, last na raw ni Herlene ang beauty pageant na Bb. Pilipinas 2022
Wala pa namang nababanggit ang newly crowned 1st runner up sa bagay na ito.
Hinggil naman sa Twitter post ni Vice Ganda na emotional siya sa performance ni Herlene.
Na-appreciate ni Herlene ang Tweet ng It’s Showtime host
Sa kanyang Facebook account, aniya, “being mentioned in the Unkabogable Phenomenal Star’s tweet is a huge honor.”
***
KYLIE PADILLA DUMALO SA GMA 7 GALA NIGHT ‘TO MOURN’
Um-attend ng GMA Gala night si Kylie Padilla wearing a fabulous black gown.
Intriguing ang caption niya sa kanyang larawan.
Aniya sa kanyang IG story: “The story behind this look may be darker than it looks but what isn’t with anything that i do i came to the party to mourn LOL”
Ibig bang sabihin nito ay hindi pa rin naka-move on ang aktres sa separate ways nila ng ex hubby na si Aljur Abrenica?
O nagbiro lang ang anak ni Senator Robin Padilla?
Ang dami namang nagandahan sa outfit ng aktres, syempre kasama na roon ang beauty ni Kylie.
“In fernez kay ateng kahit may pa-lambat kita pa din ang ganda ng bone structure nya”
“Ang taray ng statement ni Kylie, lol. I really like her. Unlike sa 2 anak ng isa ring action star na napakacheap ng dating, Kylie has fierceness in her na mapapabilib ka talaga.”
“May times na weird yung mga comments or statements etong si kylie. May mga pampam moments din siya”
“Weird sya in her own way kaya siguro ang hirap sakyan ng mga banat nya.”
Komento tuloy ng isang netizen, “The purpose of going to a party is leave your problems at home and have fun at the party. Socialize with people and live by the moment. Don’t be so negative about life. She didn’t give justice to the dress though. Looks overwhelmed.”
“Not a good joke… pls omit the “LOL”!”
***
ANGELICA NAGBIGAY PUGAY KAY CHERRY PIE DAHIL NAKILALA SI GREGG HOMAN; STAR MAGIC AT ABS-CBN BOSSES UM-ATTEND SA BABY SHOWER PARTY NI ANGGE
Bongga ang naganap na baby shower ni Angelica Panganiban para sa kanilang coming baby ng partner na si Gregg Homan.
Sa Instagram ng aktres, ibinahagi niya ang mga kuhang larawan ng baby shower party.
Sinulatan niya ng makabagbag damdaming caption.
“It also happened in my life to have my own baby shower. It’s a great feeling to be with family, friends and family members who are really happy and supportive of the most important and most dreamed role in my life. There are so many people who love me,” ani Angge.
Hindi lang mga kaibigang celebrities ang um-attend ng baby shower kundi ang big bosses ng Star Magic at ABS-CBN ay nakisaya sa baby shower party ng kanilang talent.
Pinasalamatan ni Angel ang Star Magic na nag-encourage na magpa-baby shower party siya kung saan Sea-themed party ito.
“To my Star Magic family, for making me happy and I need the baby shower in my life. THANK YOU for building it. To everyone who came and extended love. And of course to everyone who built it to make it possible this day,” pasasalamat ni Angelica.
Present sa baby shower sina Anne Curtis, Angel Locsin, Agot Isidro, Maxene Magalona, Cherry Pie Picache, Antoinette Jadaone, at ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.
Binigyang pugay naman ng aktres ang beteranang aktres na si Cherry Pie dahil ito ang naging daan para magkakilala sina Angge at Gregg.
Kalakip ng kuha nilang larawan ni Cherry Pie, nilagyan ito ng caption ng aktres.
“MALAKI!!! Malaki ang papel sa lahat ng ito. Ikaw ang nagbigay samin ni greggy thank you and we love you nangnang @yescppicache.”
Binulgar naman ni Maxene na baby girl ang isisilang ni Angelica
“My favorite Homans are having a baby girl! Congratulations @gregg_homan and @iamangelicap! I cannot wait to meet Baby Bean!”
Sey naman ni Anne: “Can’t wait to meet the little bub! So excited for you guys!!!”
Hindi rin nakalimutang ibahagi ni Angge ang larawan ng kanilang ina ni Gregg nankasama rin sila sa larawan
Aniya: “the excited lolas!”
Halos iisa ang komento ng netizens sa mga kuhang larawan ni Angelica
“She’s glowing huhu e&”
“Agree!!! Grabe ganda, normally di ako
Msyado ngagandahan sa knya but this time nag bloom sya”
“Siguro girl ang baby ni Angee.. ang ganda niya e.”
“girl ang baby nila teh, nasa YT channel nila ang gender reveal.”
Hanggang ngayon hindi pa rin mapigilan ng ibang commenter na ihambing si Gregg sa ex ni Angelica na si John Lloyd Cruz.
“Kamukha nga talaga ni john Lloyd haha pero mas fresh si gregg NOW”
“Ang cool lang na boss ni Carlo Katigbak, nakiki-mingle sa talents ng network. I haven’t seen the previous ceo’s partying with the employees.”