Advertisers
BASKETBALL leagues come and go dito sa ‘Pinas. May mga tumatagal for life pero meron ding isang conference lang ay tiklop agad.
Manpower,resources,durability,dedication at determination ang susi upang ma-sustain ang liga ng sport na pinaka-paboritong pastime ng mga Pinoy.
Kung sa materyales ng mga players,walang problema dahil sa abundance ng talents nationwide na kailangan lang madiskubre at kung sa aspeto ng followings ang pag-uusapan ay ‘matic na dumog ang crowd sa bawat malaki o maliit mang liga.
Diyan natatangi ang Pilipinas Super League o PSL. Itinatag ito nina PSL president Rocky Chan katuwang si vice Ray Alao , commissioner na si ex- PBA star at dating Gilas standout Marc Pingris at deputy comm. Chelito Caro.
Instant success ang nakaraang buwenamanong season sa Visayas/ Mindanao ng PSL kaya nasundan ito ng mapusok na VisMin at Luzon legs na PSL 21-U ( kinunsepto at pangarap na natupad ni asst.comm.Caro)simultaneously na naging isang legit blockbuster na conference .
“ I’m overwhelmed sa turnout ng crowd sa ating liga para sa kabataan nationwide.Ang taas ng antas ng kompetisyon ng mga manlalaro ng bawat koponan na halos balanse ang lakas kaya puro magaganda ang laban.Sa Visayas at Mindanao ay talagang dikdikan ang bakbakan doon gayundin dito sa Pampanga(San Fernando City) na may dalawang koponang kalahok na nakapagbigay ng oportunidad sa mga kabataang Kapampangan na ipakita ang kanilang husay sa basketball. Kaya nga pinasasalamatan natin si Gov. Dennis Pineda sa kanyang suporta sa liga,” pahayag ni Chan na special mention si PSL top honcho Dinko Bautista,ang suporta ni Rep.Claudine Bautista,Davao Occ.Gov Claude Bautista at op kors sa corporate partner na COCOLIFE sa pamumuno ni Pres.Atty.Jose Martin Loon at SVP Joseph Ronquillo.
Personal nating nasasaksihan ang mga kaganapan sa liga at masasabi kong very seasoned ito sa mahusay na kumpas nina Rocky,Ray ,Marc at Chelito at sa sistematikong timon ni basketball operations head former PBA star at Ginebra hotshot ( coach)Leo Isaac kaagapay niya ang mga maaasahang staffs mula secretariat, props,promos, broadcasting, officiating, technical, live coverages, statisticians, state of the art na pa-effect before and after the game at media partners, name it you’ll have it.Kaya nga dinadagsa ang PSL rain or shine and bright lights.
Bunga rin ito ng mga tagapagtaguyod na Cocolife ,Dumper Party List,La Filipina Corned Pork and Luncheon Meat,Amigo Segurado Pasta and Sauce,Adcon,Wcube Solutions ,Inc.,Unisol,
Wilson,Calcium Cee Cherub,Waterworld Cebu,Eon Centennial Hotel at Casino Filipino Cebu.
Ngayon pa lang ay ginagalamano ( sa halip na uppercut)na ng korner na ito ang liderato ng PSL…Okey ka CHAN!
Lowcut : Shoutout at special mention sa ating mga ka-UPS,entrepreneurs Ms.JUNITA BLESILDA BELARO( JBB Brazil) ng Silang sa Cavite, Ms.ELEANOR LAWRENCE ng Unified Australia, Ms. MARYGRACE BANTILING ng Unified sa Malabon City,MsJUNGIE PEDROLA GULLEM ng Unified KSA at kina (Mga Ms) MAIMAI GADON, DANETH CATALUNA BATISANAN, JOSEPHINE DOROQUEZ PAJAREZ at sa lahat ng franchise holders… Good MORE’ EARNING sa ating lahat… Mabuhay UPS!