Advertisers

Advertisers

Bangkay ng mag-jowa nagpalutang-lutang sa ilog

0 210

Advertisers

Natagpuan ang bangkay ng dalawa katao na magkasintahan sa isang ilog sa Javier, Leyte.

Kinilala ang mga biktima ns sina Ivan Gallardo, 22 anyos; at Hannah Jane Alfante, 20 anyos.

Nakita ang katawan ni Alfante na palutang-lutang sa Bito River sa Barangay Odiong. Samantala, nakita ang bangkay ni Gallardo sa pampang ng ilog sa Barangay Cancayang.



Ayon sa ilang saksi, tinawid ng magkasintahan ang ilog habang karga ni Gallardo si Alfante. Ito na lamang ang huling pagkakakita sa kanila hanggang sa bumulaga ang kanilang mga bangkay.

Wala namang nakitang bakas ng bugbog o ano mang pinsala sa katawan ang bangkay ng dalawang biktima.