Advertisers
Naaresto ang isang security guard ng DPWH 1st Engineering Dictrict ng Ilocos Norte sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. 7-B Laoag City.
Kinilala ang suspek na si Jason Mamuad y Jovila, 37 anyos, may live-in partner at residente ng Brgy. 9, San Nicolas.
Nakumpiska mula sa suspek ang nagamit sa transaksyon na isang plastic sachet na naglalaman ng shabu at isang libong piso na buybust money maliban kasama na ang personal na pera nito.
Sa report, lumalabas na isang High Value Individual at miembro ng isang drug group sa probinsya si Jovila.