Advertisers

Advertisers

‘BATAKAN’ INATAKE: 2 ADIK TIGOK, 2 SUGATAN

0 229

Advertisers

DALAWA ang patay at 2 ang sugatan kabilang ang isang babae na tinamaan ng ligaw na bala nang lusubin at pagbabarilin ng mga armadong lalaki ang isang bakanteng bahay na ginagamit na pot session sa Antipolo City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina John Albert Padasay alias Bidek, at Francis Labuta.

Sugatan naman ang ikatlong biktima na hindi pa nakikilala at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ‘di tinukoy na pagamutan, habang tinamaan ng ligaw na bala ang ikaapat na biktima na si Evangeline de Jesus.



Ayon sa Antipolo City Poice, 11:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa isang bakanteng paupahan na bahay sa Lantion Compound, Road 28, Bagong Nayon, Antipolo City.

Sa report, pinasok ng mga armadong lalaki ang bakante bahay kungsaan inabutan ang mga biktima at agad pinagbabaril sa ulo sina Padasay at Labuta na nasawi noon din.



Nakatakbo ang ‘di pa nakikilang kasamahan ng dalawang napatay perohinabol ito ng mga salarin at binaril sa ulo nang maabutan, habang tinamaan ng ligaw na bala si De Jesus sa habulan.

Nakakuha ang mga otoridad sa lugar ng mga basyo ng bala, ilang shabu at paraphernalias.



Hinala ng mga otoridad, posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay dahil si Padasay ay dating nang naaresto sa isang buy bust operation

Kinumpirma rin ng mga residente na ang bakanteng bahay ay ginagawang pot session ng mga adik sa lugar.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin.(Mark Obleada, Edwin Moreno)