Advertisers

Advertisers

Titser sinabihan ng ‘bobo’, ‘bruha’, ‘hayop’ ang student

0 381

Advertisers

VIRAL ngayon ang post ng isang netizen na ikinuwento ang nangyaring pambu-bully umano ng isang guro sa Grade 5 pupil at 10-anyos niyang pamangkin sa unang araw ng eskwela sa Camarines Norte.

Salaysay ng nag-post na si Jeannie Vargas, umiiyak ang 10-anyos na bata nang umuwi ito sa kanilang bahay. Hindi masabi ng bata kung ano ang dahilan kaya isinulat na lamang niya sa papel ang sinabi ng class adviser.

Ayon sa bata, sinabihan siyang ‘bobo’, ‘bruha’, at ‘hayop’ ng kanyang guro.



“Yung ‘bobo’ daw ng sinabi sa kanya, pabulong. Masyadong personal,” wika ni Vargas.

“Kung hindi po masaya sa pagiging guro sa mga bata, hanap nalang po ng ibang career. ‘Wag niyong idamay mga estudyante na sumusubok pa lang lumaban sa buhay,” pahayag ni Vargas.



Galit ang nararamdaman ng kaanak ng estudyante dahil sa sinapit ng bata sa kanyang guro.

“Minsan, baka tahimik lang pero sobra na palang pambu-bully ang nakukuha sa school. At lalong ‘wag po tayong matakot to stand up for our kids. Pag nakikita nila na kaya natin silang ipaglaban sa mga taong mali, matututo rin silang ipaglaban mga sarili nila balang araw,” dagdag pa ni Vargas.



Dahil sa naranasang pambu-bully sa guro, ayaw nang pumasok ng bata sa paaralan.

Kinukumpirma ng Department of Education – Bicol ang insidente at sinigurong may mananagot sa nangyari.

“Tinitignan na po ito ng SDO CamNorte anong school/private o public ba before they will take appropriate actions,” pahayag ng DepEd-Bicol.