Advertisers

Advertisers

Mister nasalisihan ng kainuman, na-rape ang misis

0 525

Advertisers

SA kasarapan ng tulog, hindi namalayan ng isang misis na hindi na si mister ang kanyang kasiping kundi ang lalaking kainuman nito sa bayan ng Santa Maria, Bulacan.

Nakakulong na ngayon ang lalaki na si Rico Mar Birad, 25 anyos, binata.

Sa ulat, nangyari ang insidente 2:30 ng madaling araw ng Agosto 21 sa bahay ng biktima.



Nakipag-inuman ang mister ng biktima kay Birad at sa ilan pa nilang kasama sa trabaho.

Natutulog na ang biktima nang maramdamang may humahawak sa maseselang bahagi ng kanyang katawan. At dahil sa antok hindi ito pinansin ng biktima sa pag-aakalang ang kanyang mister ang naghubad ng kanyang saplot hanggang sa mairaos ang pagnanasa nito.



Dito na umano nagmulat ng mata ang biktima at napagtanto na ibang lalaki ang kanyang nakaulayaw at hindi ang kanyang mister.

Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang mister na mabilis namang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.



Agad dinakip ng mga opisyal ng barangay si Birad at dinala sa pulisya. Naha-harap sa kasong rape.