Advertisers

Advertisers

Baby inilibing ng buhay sa sementeryo

0 401

Advertisers

ISANG sanggol na kapapanganak pa lamang ang inilibing ng buhay ng mismong mga magulang nito sa isang sementeryo sa Pulupandan, Negros Occidental noong Agosto 21.

Ayon sa ulat, Linggo ng umaga nagtungo sa sementeryo ang mga magulang na may bitbit na kahon.

Nakausap umano ng caretaker ng sementeryo ang mga magulang ng sanggol at sinabing ililibing nila ang anak na patay na.



Makalipas ang tatlong oras, may narinig ang caretaker na umiiyak mula sa puntod kaya agad niya itong sinira at nagulantang nang makita ang umiiyak na sanggol na kulay purple na.

Itinakbo ng caretaker ang one-day-old baby boy ngunit sa kasamaang-palad ay pumanaw ito kinabukasan, Agosto 22.



Ayon sa Pulupandan Police, hindi pa nadadakip ang mga magulang ng sanggol ngunit nakilala na ang mga ito.

Mahaharap ang mga ito sa kasong infanticide.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">