Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
SA interview ni Toni Gonzaga kay Andrea Torres sa YouTube channel na Toni Talk ay pinuri ng netizens si Andrea dahil hindi pa rin siya nagsasalita sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Derek Ramsay.
Sabi nga ng isang netizen, mas pinili ni Andrea ang manahimik kaysa magsalita ng hindi maganda laban kay Derek.
Inamin ni Andrea na hindi madali sa kanya na hindi pag-usapan ang break up nila ni Derek, lalo‘t alam niya na marami ang curious na malaman ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.
“Pa`no ba `to? Kasi yung ibang nagagalit kasi di ako nagbibigay ng details. Hindi ko naman ikaliligaya na ma-bash yung tao. Parang for me, walang maidudulot na mabuti kapag nagbigay pa ako ng details kung bakit kami nag-break. Kasi obviously, hindi maganda yung naging paghihiwalay namin. So para sa akin, okay na sa akin yung nakausap ko na yung mga taong involved,” pahayag ni Andrea.
Nasabi ni Andrea na isa sa naging magandang nangyari sa kanya pagkatapos ng break-up nila ni Derek ay mas lalo niyang minahal ang sarili at mas lalo rin siyang napalapit sa Diyos.
“Meeting Andrea for the first time and talking to her is a breath of fresh air. She shares her dreams, inspiration, heartbreak and the life lessons she learned from it,” say ni Toni.
Mapapanood si Andrea sa Maria Clara at Ibarra bilang si Sisa na isa sa importanteng role para sa historical portal fantasy ng Kapuso Network.
***
Kylie sinagot ang nangyari sa kanila ni Gerald sa Switzerland
Ikinuwento ni Kylie Padilla na mabaliw-baliw siya sa unang lock-in taping nila ng Bolera na malapit nang magtapos.
Pero nagpapasalamat siya na kaagad siyang naging comfortable sa mga kasamahan kaya hindi naging mahirap ang adjustment nilang lahat.
“Malaking bagay na comfortable ako, Walang halong showbiz sa amin,” aniya.
Sinabi rin ni Kylie na talagang nag-iba na ang standard niya sa pagtanggap ng trabaho alang-alang sa kanyang mga anak.
“Ayokong masayang ang oras ko na malayo sa kanila kaya talagang dapat iba na ang standard,” say pa niya.
Sa ngayon ay hindi alam ni Kylie ang susunod niyang project sa GMA 7. At hangga‘t maaari ay ayaw niyang mababakante.
“Ang weird pero ayokong mabakante. Gusto kong magtrabaho nang magtrabaho,” aniya.
Focus muna raw siya ngayon sa kanyang career. “It`s time na mag-focus naman ako sa career ko dahil quota na ako dun, “ ibig sabihin niya ay tungkol sa pakikipagrelasyon, matapos ang paghihiwalay nila ng mister na si Aljur Abrenica.
Kaya nga tinatawanan niya ang lumalabas sa kanila ni Gerald Anderson na leading man niya sa pelikulang kinunan sa Switzerland.
“I mean may mga lumalabas nga na sobrang layo sa katotohanan.
“Nag-uusap daw sila ng handler niya kung sasagutin niya ang isyu sa kanila ni Gerald.
“We talk about it kung kailangan kong magsalita. Pero yung iba out of this world na hindi ko na kailangang magsalita,” natatawang sagot ni Kylie sa pagli-link sa kanila ni Gerald.
***
Lovely Abella nagpositibo uli sa Covid
Nag-positibo uli si Lovely Abella ng Covid-19 kahit na fully vaccinated na at may booster pa. Maging ang mister niya na si Benj Manalo ay nahawa sa kanya kaya pinag-iingat niya ang lahat na huwag magpakalmante.
“Nagpapaalala na nasa tabi tabi lang siya at di nawawala, nagpapaalala na mag-iingat pa rin tayo lalo na ang iba di naman nag-iingat, nagpapaalala na ibalik ang dati kung paano tayo katakot sa kanya. Nagpapaalala na dapat isipin mong asymptomatic ang kausap mo at ayaw mong mahawa sa kanya.
“Yes, vaccinated ako, may booster pa, pero pakiramdam ko mas malakas siya, mas malala ang symptoms na nararamdaman ko ngayon. Mas natakot ako, di para sa sarili ko kundi para sa anak ko at mga mas matanda sakin. Di pa rin tayo safe, ang mundong ginagalawan natin ay di pa rin safe,” kuwento ni Lovely.
Nahawa ang mister niya dahil sa pag-aalaga sa kanya. Dahil sa pagkakasakit ay nagbago ang plano niya this year. Naisip ni Lovely na kaya siya nagkasakit ay dahil- araw siyang nagtatrabaho. Mistulang kinalabit daw siya ni Lord na bigyan ng pahinga ang kanyang katawan.
Mas lalong sumikat sa pagpapatawa si Lovely nang mapasama siya sa Bubble Gang na nabigyan siya ng pagkakataong ilabas ang kanyang acting sa pagpapatawa.
Kaya kahit na anong mangyari ay hindi niya makakalimutan ang longest running gag show sa telebisyon na napapanood every Friday, 9:40 pm sa GMA 7, ang Bubble Gang.