Advertisers

Advertisers

Player pwede palitan, sana coach din!

0 289

Advertisers

Bawa’t game sa FIBA qualifiers pwede iba-ibahin ang line-up ng Gilas basta’t bahagi ng 24-man pool ng SBP.

Kaya si Carl Tamayo na naglaro kontra sa Lebanon ay pinalitan ni Roosevelt Adams vs

Saudi Arabia. Kailangan kasi si Tamayo sa UP Maroons sa pagbiyahe sa ibayong dagat.



Eka ni Tata Selo sana ang head coach maaari rin. Komo nga naman abala si Chot Reyes sa finals ng Philippine Cup ay humalili muna si Tim Cone sa kanya kahapon na miyembro naman ng coaching staff.

Hayaan na raw mag-focus si Chot sa championship series sa pro league.

Di ba yan din dahilan kaya hindi isinama sina June Mar Fajardo at iba pang Beermen at Tropang Giga sa pambansang koponan.

Si dating Kume Noli Eala ang nais ay si Tab Baldwin muli humawak ng Team Ph.

Kaso malakas ang mentor ng TNT sa big boss kaya siya pa rin nandiyan.



Pati nga anak na si Josh ang nagmamando sa U18 na pinadala natin sa Beirut. Opo kahit marami pang mas deserving sa kanya.

Talagang ganyan ang buhay dito sa atin. Yung may kontrol ng NSA at gumagastos ang siyang hari. Kung ano iutos, hindi mababali. Di ba ganito rin nangyari sa BAP?

***

Sobrang Inis si Pepeng Kirat sa Lebanese cager na si Wael Arajki. Grabe raw ang yabang ng 6’4 shooting guard. Aba’y akala niya si Steph Curry siya sa husay at karisma pati hitsura. Ginagaya pa ang gawi ng 4x NBA champion. Yung ala tulog lang ang peg. Tapos may pahayag pang “my house, my rules”. Naku malayo siya sa bida ng Warriors na 2x MVP ng NBA.

***

Ire naman si Kai Sotto ay patuloy ang improvement. Kailangan lang siguro niya ng mas maraming laban sa International arena.

Matitinding competition ang hahasa pa sa 7’3 na anak ng ex-,pro na si Ervin.

Ayon kay Ka Berong marahil ay dapat magdagdag din siya ng timbang upang hindi basta kayanin ng mga beterano sa ilalim.

Tiyak raw mahihigitan pa ng 20 años ang narating ni The Kraken, ang tinuturing na best Pinoy player ngayon.