Advertisers
Patay ang hepe ng bayan ng Pilar, Bataan nang aksidente nitong makalabit ang kanyang sariling baril sa Orani Bataan.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Orani District Hospital ang biktimang si Police Major Rizaldy Gonzales Rubio, 43, chief of police ng Pilar Municipal Police Station (MPS) ng Barangay Tapulao, Orani, Bataan.
Ayon kay PCol. Romell Velasco, Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office (PPO), 4:00 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa Barangay Tapulao, Orani, Bataan.
Base sa salaysay ng asawa ni Rubio na si Police Chief Master Sargeant May Rubio, nasa loob ng kanilang kuwarto ang kanyang mister ng makarinig siya ng isang putok ng baril.
Agad niyang tinignan kung ano ang nangyari at tumambad sa kanya ang duguang si Major Rubio na nakahandusay sa sahig at mayroong tama sa kanyang tiyan habang katabi nito ang kanyang service firearm.
Mabilis namang isinugod ospital ang biktima nguni’t binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas nasawi sa tinamong tama ng bala
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, possible umanong aksidenteng nabaril ng biktima ang kanyang sarili subali’t upang makatiyak, patuloy ang kanilang ginagawang masusing imbestigasyon hinggil sa pangyayari.(Mark Obleada)