Advertisers
Naharang ng Bureau of Customs (BoC) ang isang shipment mula sa Nigeria na naglalaman ng humigit-kumulang P58.31 halaga ng shabu sa San Andres, Maynila.
Sinabi ng BOC na ang shipment na naharang noong Agosto 19, idineklara bilang ‘food stuff’.
Nadiskubre ang mga iligal na droga nang mapatunayang iligal na ipinapasok ang kargamento sa bansa ng walang kinakailangang import permit mula sa Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (DA-BPI) batay sa pagsusuri at beripikasyon ng mga dokumento sa pag-import.
Sa 100 porsiyentong pisikal na pagsusuri, natuklasan ng mga operatiba na naglalaman din ang pakete ng 8.575 kilo ng puting crystalline substance sa loob ng puting plastic bowl na nakatago sa mga pakete ng iba’t ibang pinatuyong pampalasa.
Agad na nakipag-ugnayan ang BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa DA-BPI bilang bahagi ng due diligence at upang higit pang suriin ang iba pang posibleng paglabag sa subject importation bago ang posibleng pagkondena/disposal ng huli.
Nakipag-ugnayan din ang mga ahensiya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA IADITG) upang i-verify ang mga posibleng pagsasama ng ilegal na droga sa mga subject package, kung isasaalang-alang na ang mga ito na nagmula sa Nigeria, na kung saan naunang natukoy na posibleng pinagmumulan ng iligal na droga.
Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ang mga iligal na droga para sa karagdagang imbestigasyon para sa profiling at case buildup laban sa mga personalidad na sangkot para sa posibleng prosecution para sa paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 in relation to Section 1401 of the Customs Modernization and Tariff Act of 2016.
Sinabi ng BOC na wala pang naaresto hanggang ngayon at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.(Jojo Sadiwa)