Advertisers
Arestado ang osang pulis at tatlong kasabwat nito sa pagnanakaw ng kable ng isang telecom company sa Quezon City.
Sa ulat, akala ng isang gwardya sa luga, lehitimong mga empleyado ng telecom company ang mga suspek na nagkukumpuni ng linya ng telepono sa bahagi ng CP Garcia sakop ng Brgy. Krus na Ligas.
Ayon kay Roger Ralla, gamit ang isang trak, nakita niyang hinihila ng grupo ang kable mula sa ilalim ng kalsada at nang tanungin niya ang mga ito, sinabi umano ng grupo na inaayos nila ang linya ng telepono sa lugar.
Akala rin Ralla na mga empleyado ng telecom company ang mga ito dahil nakasuot ng pang-utility ang isa.
Nagulat na lang si Ralla ng biglang dumating ang mga pulis mula sa QCPD Station 9 at inaresto ang grupo.
Ayon kay district director ng QCPD, ang mga umatestong otoridad ang mga rumoronda sa lugar kaugnay ng ongoing anti-criminality campaign sa siyudad.
Natiyempuhan ang mga suspek dahil kataka-taka na dis-oras ito ginagawa ng grupo. Sinita nila ang mga ito at nang i-verify na representative ng telecom company, nalaman nilang hindi mga lehitimong empleyado ang mga suspek.
Nang isa-isa nang kinuha ang mga detalye ng mga suspek, nalaman na pulis ang isa sa mga suspek. Kasama rin ang isang criminology student.
Nakumpiska sa kanila ang nasa 115 copper cables na nagkakahalaga ng P471,940, baril at bala at van na ginamit sa pang karga ng mga kable.
Nadismaya ang pamunuan ng QCPD sa pagkakasangkot ng pulis, na ayon sa kanila, malinaw na protektor ng mga magnanakaw.
Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang mga suspek.
Ayon sa QCPD, bine-verify pa nila ang unit na kinabibilangan ng suspek, na nakadestino sa Eastern Police District at 4 na taon na umano ito sa serbisyo.
Sasailalim ang hindi pa pinangalanan pulis sa administrative at criminal investigation.