Advertisers

Advertisers

Pilipinas bukas makipag-usap sa China ukol sa oil and gas exploration sa WPS

0 240

Advertisers

NAKAHANDA ang Pilipinas na makipag-usap sa China hinggil sa oil at gas exploration sa West Philippine Sea.

Pahayag ni Foreign Affairs Secertary Enrique Manalo, kakailanganin ng bansa ang oil at gas hindi lamang ngayon kundi sa pangmatagalan na sa kasalukuyan ay may mataas na presyo.

Sinabi rin ni Manalo nang matanong ni Senator Cynthia Villar sa isinagawang Commission on Appointments’ foreign affairs committee hearing, kung ano ang gagawin ng pamahalaan sakaling hindi matuloy ang kasunduan sa China, ayon kay Manalo pagdating sa oil at gas sa WPS, susubukan aniyang makipag-usap din sa iba pang partners ng bansa subalit sa ngayon ay walang natatanggap na offers.



Subalit inihayag ni Manalo na ang China ang interesado na makipag-deal at inaantay na lamang nila na mag-approach ang China hinggil sa nasabing usapin.

Siniguro naman ni Manalo sa mga mambabatas ang patuloy na pagtitiyak na mapapataas at mapapanatili ang kaligtasan at kabuhayan ng mga mangingisda sa WPS.



Magugunita na noong Hunyo, tinapos ng Pilipinas ang usapin sa joint oil at gas search kasama ang China sa may West Philippine Sea alinsunod sa kautusan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">