Advertisers

Advertisers

5 NALANG ANG NATITIRA SA 89 GUERILLA FRONTS – DND

0 223

Advertisers

INANUNSYO ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge, Sr. Undersecretary Jose Faustino Jr., na lima nalang ngayon ang natitira mula sa 89 guerilla fronts ng New People’s Army (NPA) noong Hulyo 2016.

Ito ay matapos na mabuwag ng militar ang 75 porsiyento ng mga naka-engkwentro nilang NPA guerilla fronts at local terrorist groups.

Ayon kay Faustino, mula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 26 ng taon, 10,608 regular NPA members ang na-nutralisa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at 41,000 underground members, supporters at sympathizers ang nagbalik loob sa pamahalaan.



Habang 4,644 miyembro ng iba pang local terrorist groups (LGT) ang na-nutralisa sa loob ng nabanggit na panahon.

Dagdag ni Faustino, sumikip narin ang mundo ng NPA sa pagdedeklara sa kanila bilang persona-non grata sa 1,386 siyudad at munisipyo, at 31,254 barangay sa buong bansa.



Sinabi ni Faustino, ang tagumpay na ito ay hindi lang dahil sa AFP, kung hindi sa pagtutulungan ng lahat ng sektor at ng buong pamahalaan, sa “whole of nation approach” laban sa kilusang komunista ng National Task Force To End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">