Advertisers
SA mga bagong larawan ni Rhian Ramos sa kanyang Instagram account, maraming fans ang nag-worry sa actress.
Sobrang payat kasi ni Rhian at tipong may sakit itong anorexia nervosa na isang seryosong sakit na ikinamatay noon ng American singer na si Karen Carpenter.
Sa sobrang kapayatan nga raw ni Rhian ngayon ay tila kinabog nito ang kapwa Kapuso stars na sina Jasmine Curtis-Smith at Kris Bernal.
Well, ayon naman kay Rhian ay wala siyang sakit kundi diet lang daw siya at madalas ay prutas ang kinakain. Pero ayaw siyang paniwalaan ng mga taong concern sa kanya. Kailangan daw alagaan ng actress ang kanyang kalusugan at kumain nang tama. Well, baka epekto rin ito ng Covid-19 pandemic na matagal na ring walang trabaho ang magandang actress.
***
JC Garcia Proud Na 1st Concert Artist Na Makakapag-Live Birthday Concert
Halos 7 months ng hindi nakapag-concert ang Pinoy international recording artist na si JC Garcia sa San Franciso, California at iba’t ibang parte nito.
Eh, hindi pa naman sanay si JC na walang show at in-demand siya rito. Remember, last 2018 and 2019 ay nakagawa ng halos 7 solo concerts ang nasabing singer-dancer.
Pero good news sa lahat ng supporters ni JC at magkakaroon siya ng Birthday Concert this September 27 sa Fort Mackenly Restaurant and Lounge sa Sanfo.
At dahil may protocol pang ipinatutupad sa nasabing bansa instead na 300 persons ang capacity ng said venue ay 40% lang daw ang allowed na papapasukin.
Pero infairness, mayayamang kababayang Pinoy ang magiging crowd ni JC sa konsiyerto niyang ito. Mas pinaaga rin daw ang oras ng kanyang Birthday Show na magsisimula ng 5PM hanggang 8:00 PM lang. Tuloy na tuloy na raw ito according to JC at closed na ang deal nila ng manager ng Fort Mackenly na si Jun, na good friend niya. Ang ipinagpapasalamat ng kaibigan naming recording artist ay sa lahat ng kilalang concerts artists sa Sanfo ay sa panahon ng pandemic ay siya ang kauna-unahang singer na makakapag-live show rito.
Nakagawa na pala ng concert sa nabanggit na venue si JC na kasama sina Gabby Concepcion, Lou Bonnieve, at Yolanda sa magkakahiwalay na concert. Sa September 30 ang eksaktong kaarawan ni JC Garcia. (Peter S. Ledesma)