Advertisers

Advertisers

Sidewalk sa Makati, gumuho

0 250

Advertisers

Gumuho ang mahabang bahagi ng bangketa sa Makati City.

Sa ulat, aabot sa mahigit 60 metro ang gumuhong sidewalk sa gilid ng isang creek sa Barangay Pio del Pilar nitong Sabado.

Ayon sa kuha ng CCTV, makikita ang unti-unting paghiwalay ng sidewalk sa kalsada hanggang sa tuluyan itong gumuho.



Sinabi ng isang residente, na napansin nila na tila humiwalay na ang sidewalk sa kalsada matapos ang Bagyong Paeng.

“Siyempre nakakatakot,” wika ng residenteng si Ponyang, na nakatira katapat lang ng creek.

Ayon kay Ponyang, na bago pa raw ang pagguho ramdam na ng mga residente na hindi matibay ang bangketa.

“Pag umapak ka diyan parang umuuga,” pahayag pa ni Ponyang.

Wala namang nasaktan sa pagguho, ayon sa mga opisyal ng barangay.



At para maiwasan ang aksidente nilagyan muna ng mga harang ang gilid ng creek.

Magsasagawa naman umano ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan ng Makati upang alamin ang dahilan ng pagguho ng sidewalk, at magkakaroon din ng clearing operations sa nasabing lugar.