Advertisers

Advertisers

Kapakanan ng mga bata sa Maynila, tututukan – Mayor Honey

0 226

Advertisers

“PAGTUUNAN natin ng pansin ang kapakanan ng mga bata.

Ito ang panawagan ni Manila Mayor Honey Lacuna, kasabay ng pakikiisa ng pamahalaang lungsod ng Maynila government sa pagdiriwang ng “National Children’s Month”. Kasabay nito ay inanunsyo rin ng alkalde na nilagdaan na niya ang dalawang Executive Orders na parehong naglalayong itaguyod ang patrokesyunan ang mga bata sa lungsod.

Sinabi ni Lacuna na ang pagdiriwang sa taong ito na nasa ika-30 taon na ay may napapanahong tema na nakatuon sa sa proteksyon ng karapatan, kalusugan, mental wellness at overall welfare ng mga bata.



Ayon sa alkalde ay nakakaalarma ang patuloy na pagtaas ng mga mental issues sa mga batang paslit, base na rin sa ipinapakita ng statistics kahit pa noong bago umiral ang pandemya. Taong 2015 ang mental health ay naitala bilang pangalawang dahilan ng libo-libong suicide-related deaths sa mga bata.

“Maraming kaso ng depression na nasa high school ay pawang may kinalaman sa exposure sa social media. Maging ang COVID ay nakaapekto. Dahil na rin sa mga problemang ibinungg ng mga pangyayari sa kasagsagan ng pandemya, paulit-ulit na lockdown, nawalan ng pagkakataon ang mga kabataan na lumabas, makihalubilo at magkaroon ng mga gawain,” Lacuna said.

Dahil na rin sa unti-unti ng bumabalik sa normal ang sitwasyon at unti-unti na ring ibinababa ang mga restriksyon, sinabi ni Lacuna na bumabalik na rin unti-unti sa kanormalan ang buhay ng tao tulad noong wala pang pandemya.

“Now is our chance to focus on the state of our children,” pahayag ni Lacuna kasabay ng pagbanggit niya na ang Manila Council for the Protection of Children ay nakapaglatag na ng mga programa na layuning magbigay ng mga hakbang para sa proteksyon at pagtataguyod ng karapatan ng mga bata.

Kabilang dito, ayon kay Lacuna, ay ang pagkakaroon ng capacity building para sa mga kinatawan ng mga bata nitong Marso, pagtatatag ng district multi-discplinary teams na nagsagawa ng orientation nitong Abril at ang pagsasanay ng 10 barangay councils kaugnay ng proteksyon sa mga bata.



Inanunsyo din ng lady mayor na nilagdaan na niya ang Executive Orders No. 40 at 41 noong September, para sa proteksyon ng mga streeetchildrean at ang bagong bumubuo ng Manila Council for Protection of Children.

Ayon sa alkalde, ang selebrasyon sa buwang ito ay naglalayong maitanim ang pangangailangan na panatalihin na pangalagaan ang karapatan ng mga bata, kasabay ng paglalahad niya na may 24,297 paslit sa Maynila ang nag-aaral sa daycare habang 2,308 ang nabigyan ng educational assistance at 3374 na biktima ng child abuse ang natulungan na.

Pinasalamatan din niya ang mga pribadong organisasyon na patuloy na tumutulong sa pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga programa nito para sa kabataan.

“We all should be a part of promoting the imptant advocacy of protecting children, as they are the hope of our country’s future. Gabayan, alalayan, turuan at pakaingatan natin sila,” sabi ni Lacuna. (ANDI GARCIA)