Advertisers
Isang guro ang nasawi nang bumaliktad ang minamanehong motorsiklo nang mabangga ang isang aso sa Zamboanga City.
Kinilala ang biktima na si Maricel Alviar Rojas, 40, teacher ng Lapakan Elementary School ng Zone 4A, Barangay Culianan, Zamboanga City.
Ayon kay Maj. Shellamie Chang spokesperson ng PRO9, 3:50 ng hapon nang maganap ang aksidente sa tapat ng planta ng Pepsi Cola sa MCLL Highway, Zone I, Barangay Culianan, Zamboanga City.
Nabatid na patungo sa City proper ang biktima na minamaneho ang isang Honda click 125 galing sa Brgy Culianan Zamboanga City.
Pagsapit sa tapat ng planta ng Pepsi Cola hindi napamsin ng biktima ang patawid na aso at nabanga nito dahilan upang mawalang kontrol sa manibela at bumaliktad.
Dinala ang biktima sa Mindanao Sanitarium Hospital upang mabigyan ng lunas ngunit hindi na umabot ng buhay sanhi ng matinding tinamong pinsala sa katawan.
Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng nasabing insidente.(Mark Obleada)