NCRPO NAGSAGAWA NG 2 DAY SECURITY SEMINAR PARA SA MGA MAMAMAHAYAG
Advertisers
Nagsagawa ng dalawang araw na security seminar at trainning sa mga hanay ng mga mamamahayag ang National Capital Region Police Office o NCRPO sa pamumuno ni P/ Brig. Gen. Jonnel Estomo.
Sinimulan na ng NCRPO ang dalawang araw na seminar na makakatulong sa mga media na maprotekhan ang sarili habang ginagampanan ang kanilang trabaho.
Ayon kay NCRPO Spokesperson P Col Dexter Versola Tulad kahapon ng otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon ginanap ang online seminar sa mga mamahayag kung paano ang gagawin upang maiwasan ang anumang pagbabanta sa kanilang buhay.
Ngayong ikalawang araw tatagal ang seminar para sa personal security at firearms markmanship training ng NCRPO sa mga mamamahayag hanggang alas 5 ng hapon.
Base sa listahan halos isang daan na mga media ang nakapag parehistro sa viber group ng ncrpo at ito ay posible pang madagdagan.
Ikinatuwa naman ni NCRPO Chief Estomo ang pagdalo ng lahat ng media na nagkokober sa Kalakhang Maynila.
Ang naturang programa ay bahagi ng SAFE NCRPO sa ilalim ng pamumuno ni Estomo. (CESAR MORALES)



