Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
HINDING-hindi na maaaring pagtaasan ng kilay ang kahusayan ni Jeric Gonzales bilang aktor.
Isa na naman kasing karangalan bilang Best Actor ang nasungkit ni Jeric abroad at ito ay ang ikalima niyang Best Lead Actor award abroad para sa Broken Blooms and this time ay sa Saskatchwan International Film Festival (SIFF) sa Canada.
Walong major awards mula sa SIFF ang nakuha ng Broken Blooms kabilang ang Best Director (Louie Ignacio), Best Actress (Therese Malvar), Best Supporting Actress (Jaclyn Jose), Best Supporting Actor (Boobay), Best Cinematography, at Best Musical Score.
Idinaan ni Jeric sa kanyang Instagram account ang pasasalamat sa bago niyang acting award kalakip ang mga larawan habang hawak ng Start-Up PH actor ang kanyang tropeyo at ang mga sumusunod na mensahe…
“5 and counting! ???? first of all thank you Lord ???? maraming salamat po sa lahat ng ito, Gusto ko din pasalamatan ang lahat ng bumubuo sa pelikula namin na “BROKEN BLOOMS” simula sa aming direktor na si direk @direklouieignacio maraming salamat sa opportunity na binigay nyo sa akin and sa guidance and motivation para magawa ang napakaganda at makabuluhan na pelikula na ito, without you direk hindi ko po magagawa lahat ito???????? gusto ko din pasalamatan ang mga napakagaling at mga award winning kong co-actors na sina Ms.Jaclyn Jose @jaclynjose it’s an honor po na makasama ko ang isang best actress salamat po for guiding me in this fim, @theresemalvar teri!!! Salamat!! Alam mo yan hindi ko din magagawa ito ng maganda kung hindi ikaw ang partner ko dito sa film ???? @royce.cabrera brotherly! nung una pa lang alam ko na sobrang galing mo kaya salamat isang karangalan na makasama kita, @boobay7 friend!!! Grabe ka! Sobrang galing mong aktor!!! Ginulat mo kaming lahat! Sobrang galing mo dito!!! Congrats sa atin!!! And to everyone na kasama namin dito na ibang actors thank you so much!!! And lastly sa lahat ng bumubuo ng Bentria productions headed by Engr.Benjie Austria, Dennis Evangelista, Ferdy Lapuz, Bigboy Villariza, Direk Ralston Jover, TM Malones and sa buong team bentria maraming maraming salamat sa inyong lahat! Para sa atin lahat ng karangalan na to! Mabuhay ang PELIKULANG PILIPINO ????
***
EARLY next year ay mapapanood ang aktor na si Gold Aceron sa erotic play na Dick Talk.
Paano siya napapayag na tanggapin ang naturang project?
“Actually, binoses po siya sa akin ng manager ko, si Kean Cipriano. Binigay po nila sa akin yung details na ito po sa teatro, and sabi ko bago na naman po sa akin kasi nag-teatro po ako dati, Basilio at Crispin, ako po si Basilio dun.
“Then ayun tinanggap ko siya [Dick Talk] kasi gusto ko nga din pong mag-represent ng mga nag-e-explore ng libog, kasi napagdaanan ko din dati, so alam mo yung curiosity namin about sa mga titi.
“So nag-go talaga ako sa kanya kasi iba rin yung teatro e, parang mahahasa pa lalo yung acting skills mo,” pahayag ni Gold.
Mapapanood ang Dick Talk sa April 14 (Critic/Preview night) April 15, April 16, April 18, April 19,April 20,April 21, at April 23 sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza sa Makati City.
Gaganap dito si Gold bilang si Gaylord Salvador Jr. o Junjun, si Jake Cuenca bilang si Peter North Tevez, si Nil Nodalo bilang si Dayanara Mae Robles o Rob at si Mikoy Morales bilang si Maria Cecilio de Jesus o Cecille.
Ang Dick Talk ay sa direksyon ni Phil Noble at produced ni Eboy Vinarao ng V-Roll Media Ventures in cooperation with Trifecta Brand Lab headed by Tristan Cheng.