Advertisers
Ni WALLY PERALTA
DIRETSAHANG inamin ng aktres na si Sunshine Cruzna sa ngayon ay di niya priority ang muling pumasok sa panibagong relasyon pagkatapos ng hiwalayan blues ng long-time ex boypren na si Macky Mathay.
At kung ano ang lamig ng kanyang lovelife ay siya naman ang init ng kanyang showbiz career. Halos sabay niyang ginagawa ang isang serye na ipalalabas sa Kapuso Network, ang “Underage,” a TV adaptation from the same title produced by Regal Entertainment, na ang mga bida ay ang Kapuso teenstars na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, and Hailey Mendes.
At sa movie ay halos tatlo lang naman ang nagawa niya, ang mga “Pamilya sa Dilim”, “Greatest Performance of My Life” with Direk Jay Altarejos at ang “An Affair to Forget” with Direk Louie Ignacio which is her first streaming movie for Vivamax.
Sa sobrang abala ni Sunshine, may time pa kaya siya sa personal niyang buhay, as in magkaroon ng boypren muli?
“As of now, I just want to focus on my work. Basta sa ngayon, I can say na I’m very happy. I have three new movies, I’m in a new TV series, so i cannot complain. My heart is full. Basta I am proud of these movies and ako mismo, excited akong mapanood na,” say ni Sunshine.
Pagdating naman sa ex-boypren na si Macky sa sanhi ng kanilang paghihiwalay, tila ‘my mouth is sealed’ ang drama ni Sunshine.
“I dont want to talk about that. I’m not ready kung anuman yung nangyari. Basta I can say na lahat ng naging love affairs ko, I don’t want to forget them kasi may natutuhan ako sa bawat isa sa kanila and they helped in making me a better person,” dagdag pang say ni Sunshine.
***
ALAM ni Hershie de Leon na sa gagawin niyang movie na sumabak sa mga daring sexy films ay magkakaroon siya ng mga bash na matatanggap mula sa mga taong against sa kanyang ginawang career move.
Kung sa naunang movie na ginawa ni Hershey sa Vivamax ay nakatanggap na siya ng nega na comment, paano pa kaya haharapin ni Hersheys ang mga susunod niyang bashers lalo pa naging mas palaban siya sa hubaran sa upcoming Vivamax six-part series, ang “Lovely Ladies Dorm” with Andrea Garcia, Tiffany Grey, Julia Victoria, and Alma Moreno.
“Wala rin po akong paki sa kanila. Wala po talaga ako paki sa kanila dahil mas kilala ko ‘yung sarili ko. Mas kilala ako ng mga taong nagmamahal sa akin, malapit sa akin, so hindi ko na sila kailangang pakinggan. Ayun po, sabi nga sa quotes, ‘wag mong pansinin ang mga negatibong tao, para maging tahimik ang buhay mo,’” say ni Hershie.
Paano naman kaya ang naging samahan ni Hershie at mga sexy co-star niya sa naturang 6th part original Vivamax series?
“Sa standby area po talaga nagsimula ‘yung closeness naming lahat. Lalo na po ‘yung oras na ‘yun may pinagdadaanan ako, so andiyan po sila sa tabi ko, chini-cheer up po nila ako, tinutulungan po nila ako,” dagdag na say ni Hershie.