Advertisers

Advertisers

Dahil suwerte sa Year of the Dragon…Derek at Ellen sa 2024 pa mag-aanak

0 140

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA isang interview, sinabi ni Derek Ramsay na isa raw sa nagustuhan niya sa misis na si Ellen Adarna ay ang pagiging totoong tao nito.
Very vocal at natural daw nito kaya pati ang pagiging ‘bitch’ o pagmamaldita nito ay tanggap niya.
Hirit pa niya, simula raw nang ikasal sila ni Ellen ay hindi pa sila nagkaroon ng malaking away.
Natanong naman si Ellen kung marunong ba siyang magluto o pinagsisilbihan ba niya ang mister.
Sey naman ni Ellen, nakapagluluto raw naman siya kaya lang ay hindi niya ito ginagawa.
OC raw kasi at masyadong metikoloso si Derek pagdating sa mga gamit niya sa kusina.
Dagdag pa niya, ultimong mga muwebles daw ng kitchen ay ayaw nitong magagasgasan.
Pati raw ang mga kitchenware nito ay nakatabi lang at bihirang magamit.
Pagbibiro pa niya, milyones daw kasi ang halaga ng kitchen ng actor.
Sa tanong naman kung bet pa nilang umarte, pareho lang ang naging sagot ng showbiz couple.
Mas prayoridad daw nila ang kanilang pamilya, ang pagpapalaki kay Elias at ang kanilang mga negosyo.
Di rin daw nila bet na matali ang kanilang panahon sa lock-in-tapings at shoots.
Kumbaga, na-achieve na raw naman nila ang gusto nilang makamit sa pag-aartista kaya panahon na ipokus nila ang kanilang atensyon sa ibang bagay.
Bet din daw nilang magka-baby sa 2024 dahil iyon daw ang Dragon year.
Naniniwala kasi silang tritriple ang kanilang suwerte sa nasabing taon lalo pa’t pareho silang ipinanganak sa year of the dragon.
Sey tuloy ng ilan, nagpipigil daw ang actor na buntisin ang misis dahil naghahanap pa ito ng tamang tiyempo.