Advertisers

Advertisers

18-anyos, patay nang mahulog sa 4th flr. sa mall

0 164

Advertisers

Patay ang isang lalaki nang mahulog umano mula sa ikaapat na palapag sa mall sa Quezon City nitong Linggo ng gabi, Disyembre 11.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), bigla na lamang nahulog ang lalaki sa activity area sa lower ground floor ng Farmers Plaza, Araneta City 6:05 ng gabi.

Agad rumesponde ang isang security guard nang hingan ng tulong ng isang saleslady na nakasaksi sa insidente.



Dinala ang lalaki sa World City Medical Center nguni’t idineklarang dead on arrival ito 7:19 ng gabi.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyaring insidente.