Advertisers
Patay ang driver at pahinate ng truck habang 1 ang sugatan sa karambola ng apat na sasakayan sa Atimonan, Quezon.
Kinilala ang nasawi na sina Romeo de la Cruz Nazar, 60, driver, ng Bagong Sta. Rosa Village in Sta. Rosa, Laguna; at Bernardo Diolta, 43, helper, ng Jose Panganiban, Camarines Norte.
Samantala nilapatan naman ng lunas sa Hospital ang sugatan na si Alexander De Leon III, truck driver.
Sa report, 8:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Maharlika Highway diversion road, Barangay Malinao IIaya, Atimonan, Quezon.
Nabatid na sakay ang mga biktima sa isang Wing Van Truck na may plakang MGQ 388 na binabagtas ang kahabaan ng Maharlika Highway patungo sa Atimonan, Quezon.
Pagsapit sa pababang daan ng highway, nawalang ng kontrol sa manibela si Nazar at napunta ito sa kabilang linya ng kalsada.
Nabundol ng truck ang kasalubong nitong truck na minamaneho ni Alberto Dapog. Dahil sa pababa ang truck nagpatuloy ito sa pag-abante at sumalpok sa kasalubong na 2 truck na may plakang ABB 5251 na minamaneho ni Esmeraldo Timbal Jr ng Labo Camarines Sur at De Leon.
Dinala ang mga biktima sa Doña Martha Memorial District Hospita nguni’t kapwa hindi na umabot ng buhay sina Nazar at Diolta sanhi ng tinamong matinding pinsala sa katawan habang nilalapatan naman lunas si De Leon III.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng naganap na aksidente.(Mark Obleada)