Advertisers

Advertisers

“Farmer Coopetition Act”

0 340

Advertisers

ISANG panukalang batas na layong hikayatin ang samahan ng mga magsasaka na sumali sa “cooperative competition” na makatutulong sa kanila na matamo ang wastong sukat at makunan ng mas karagdagang halaga ang kanilang produkto.

Inihain ni Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman ang House Bill No. 230 o ang “Farmer Coopetition Act,” na nangangailangan ng pagtutulungan sa mga nakikipagkumpitensyang samahan o kooperatiba ng mga magsasaka o “coopetition” sa pamamagitan ng place-based clustering at magtatag ng isang multipurpose na kumpletong sa gamit kada cluster.

Sa pamamagitan ng “coopetition,” sinabi ni Roman maiiwasan nito ang mga middleman at direkta sa pangunahing mamimili ang kanilang produkto gaya ng gobyerno at retailers. ​Bukas ang hub sa lahat ng posibilidad na direkta sa mga pamilihan para sa bigas at pasilidad na pag-iimbakan ng palay at iba pang produkto.



“We are an agricultural country with a population of over 100 million of which about 10 million — or 24% of the total national employment — are rice farmers. Sadly, over 34% of our rice farmers are poor. They struggle to make less than P200 a day,” ayon kay Roman, chairperson of the House committee on women and gender equality.

Dagdag pa ng mambabatas kadalasan mahina ang kinikita ng mga magsasaka dahilan upang magkulang ang kanilang suportang pinansyal sa kanilang pamilya.



“Napipilitang silang magbayad ng utang sa kanilang sinasaka at pagpapalago ng produkto ng bigas at napipilitan din ibenta ang kanilang sakahan sa mga malalaking negosyante, na malaking bante para sa ating food security,” pahayag ni Roman.

Pantay na pagkakataon ang isinusulong ni Roman para sa lahat ng Filipino. Para sa kanya, ang pagkapantay-pantay ay pagtrato sa mga indibiduwal na walang hadlang, maling pananaw, kagustuhan, maliban ito’y may pagkakaiba at malinaw na makatwiran.



Matatag na naninindigan at bukas ang mambabatas sa pagsulong ng pagkakataon para sa lahat ng Filipino na walang kinikilingan sa kayamanan, katayuan o pagiging miyembro ng isang maimpluwensiyang grupo.