Advertisers

Advertisers

Sana ‘di ‘moro moro’ lang ‘yan, BoC!

0 186

Advertisers

IPINANGANGALANDAKAN ngayon ng Bureau of Customs sa kanilang press releases na nakapag-file na sila ng 100 cases laban sa agricultural smuggling.

Nangyari raw ito simula nang maupong Customs Commissioner si “Yogi” Ruiz, ang pumalit kay “Jagger” Guerrero, noong Hulyo 20, 2022.

Kung totoo ang press release na ito ng “PR” ni Ruiz, aba’y palakpakan natin sila. At ipagdasal natin na may makulong sa mga kinasuhan nila, hindi moro-moro lang.



Nagtataka lang tayo kung bakit ayaw banggitin sa kanilang press release ang pangalan ng mga kompanyang kanilang kinasuhan o kung sino-sino ang mga itong nasa likod ng agricultural smuggling.

Dito lang sa mga nahuhuli nilang smuggled kuno na sibuyas, bigas, asukal, sigarelyo, at iba pang kontrabando ay walang pangalan ng mga indibidwal o ng mga taong nasa likod ng smuggling. Bakit ayaw nilang pangalan? Why o why? Name names, Commissioner!



Sana sa sunod na press release ninyo, Cynthia B., pangalanan nyo na ang mga nasa likod ng mga nahuhuling kontrabando para hindi magduda ang publiko na pasiklab lang kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang ginagawa ninyo.

Oo nga pala, speaking of agricultural smuggling, may bago pa ba sa mga pangalan nito? Eh mula noon hanggang ngayon ay sila-sila parin naman ang smugglers sa mga pier at mga paliparan? Ang nababago at naaalis lang naman dyan ay ang mga political appointee tuwing bago ang administrasyon. Right?



Hindi kasi mawala sa isip ko na kaya lang nanghuhuli ng mga kontrabando itong mga taga-Customs ay kapag nagkaroon ng isyu sa smuggling at nagkakaroon ng congressional inquiry. Pero kapag tahimik, libre ang smuggling!

May nakainuman akong isang forklift operator sa Manila International Container Port (MICP). Pati pala sa kanila ay umaabot ang katiwalian sa smuggling. Kapag ang laman daw ng container ay smuggled, pinatatago sa kanila ito, ililipat sa kungsaan-saang sulok o gitna para hindi makita ng mga nag-iimbestiga. Inaabutan daw siya ng P500 pagkalipat.Kumikita nga raw siya ng mahigit P10K isang araw lalo ‘pag maraming parating na kontrabando.

Naniniwala ako sa kuwento nitong porklift operator kasi makuwarta eh. Nakabili ng maayos na house and lot, nakapambabae at malakas magsugal. Easy money ang hawak niya eh.

Oo! Talaga raw maraming katiwalian sa pier. Kaya kung ang porklift operator ay kumikita ng daang libo kada buwan, ano pa kaya ang mga opisyal? Ang talo rito ay ang gobyerno.

***

Gusto ni Senador “Bato” Dela Rosa ibalik ang “tokhang” o katok sabay luthang (baril). Ehek!

Sakaling ibalik nga ang ginawa noon ni Bato nung hepe pa siya ng PNP, magagarantiya ba niyang walang inosenteng matitigok tulad ng mga ginawa nila noon na maraming nadamay na mga walang malay sa kanilang operasyon bitay este tokhang?

Sa anim na taon nilang pang-tokhang, bakit hindi manlang nila natokhang ang mga Intsik na nagparating ng bilyones na halaga ng shabu? Remember P6.4-billion worth of shabu na nasamsam sa Valenzuela City in 2017, at ang magnetic lifters na naglalaman ng toneladang shabu sa Port of Manila at warehouse sa Cavite? Walang Intsik na nakulong doon. Samantalang ang mga sangkot doon ay kasama sa pictures ng mga anak ng “Tatay” nila. Ewan!

Dalawang araw nalang po, PASKO NA! Peace!!! Merry Christmas sa ating lahat…