Advertisers

Advertisers

Hepe, 17 tauhan sibak sa presintong dugyot

0 135

Advertisers

Sinibak sa puwesto ang hepe at 17 tauhan ng isang istasyon ng pulisya dahil sa maruming presinto at hindi pagsusuot ng wastong uniporme ng mga ito habang nasa duty sa lalawigan ng Bukidnon .

Nabuko ni Bukidnon Police Provincial Office (PPO) Director Police Col. Reynante Reyes ang pagiging salaula ng mga nakatalagang pulis sa Don Carlos Municipal Police Station (MPS) nang personal niyang makita ang maruming istasyon sa isinagawa niyang surprise inspection nitong Lunes.

Dahil dito, pinagpapaliwanag ni Reyes ang OIC ng Don Carlos MPS na si Police Major Sabino Labitad sa kondisyon ng kanyang pinamumunuan.



Ani Reyes, papatawan niya ng kaukulang parusa si Labitad kapag nabigo itong makumbinsi siya sa kanyang paliwanag.

Pansamantalang inilipat ang 17 pulis sa mga karatig na presinto sa Bukidnon habang iniimbestigahan ang pangyayari.



Bukod sa maruming presinto, lalong nabuwisit ang opisyal nang makita niya na hindi nakasuot ng tamang uniporme ang mga pulis.

Nagsasagawa ng sorpresang inspeksyon ang Bukidnon PPO sa mga istasyon upang masigurong laging maayos, malinis at nakaalerto ang mga pulis.



Saad pa ni Reyes, nais niyang itama ang pagkakamali ng mga ito at hindi na maulit ang kanilang mga pagkukulang.