Advertisers

Advertisers

CMU faculty at staff tiwala sa administrasyon ni Mayor Sandoval

0 183

Advertisers

MALAKI ang tiwala ng faculty at staff ng City of Malabon University (CMU) na mareresolba ng bagong administrasyon, sa ilalim ni Mayor Jeannie Sandoval, ang mga problema sa delayed na suweldo na iniwan ng dating administrasyon.

Matapos ang dalawang buwan na pagkaantala ng suweldo ng mga guro at staff sa CMU, inumpisahan na ang immediate release ng unpaid salaries mula Mayo hanggang Hunyo.

Naunang pinaimbestigahan ng alkalde ang mga ulat na tatlong buwan na hindi nakasahod ang CMU lecturers.



Kabilang sa mga naging problema ang mga faculty at staff na kinontrata para sa mga proyekto nang walang proper documentation. Sa tulong ng alkalde, isa-isang niresolba ang isyu at siniguro na hindi makokompromiso ang integridad ng bagong administrasyon.

Mahigpit na mino-monitor ng pamahalaang lokal ng Malabon ang lahat ng aktibidad sa CMU upang matiyak na maiaayos ang lahat ng backlogs. Nagsagawa narin ng operational reforms at bagong polisiya.

Magugunitang natanggal ang CMU sa listahan ng mga benepisyaryo ng Commission on Higher Education (CHED) Unified Student Financial Assistance Sytem for Tertiary Education (UniFast) program dahil hindi nagsumite ang nakaraang administrasyon ng requirements na kailangan sa loob ng nakalipas na tatlo at kalahating taon.

Nagdulot ito ng malaking problemang pinansiyal pero nireresolba ng bagong administrasyon at pinaglalaanan ng substantial funds ang pagbili ng Human Resource Information System para remedyuhan ang lahat ng HR related transactions.

Ngayong batid na ng CMU faculty at staff ang poor governance ng nakaraang administrasyon, tiwala naman ang mga ito sa mga pagbabagong inumpisahan ng bagong talagang presidente ng CMU na si Dr. Glen De Leon. Buo ang kooperasyong ibinibigay ng CMU faculty at staff sa remedial efforts ng bagong administrasyon, at lahat ay umaasang magiging maganda ang susunod na taon para sa unibersidad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">