Advertisers
TAYO raw na mga Filipino ay masaya sa kahit ano pang dumaan na krisis, delubyo o anumang di magandang pangyayari sa nagdaang taon 2022.
Ito ang lumabas sa isang pag-aaral o’ End of Year Survey ng Gallup International Association (GIA), na ang Pilipinas ay masayahing bansa pa rin sa buong mundo ng taon 2022.
34 na bansa ang naging bahagi ng survey at ang Pinas daw ang nanguna sa pagkakakuha ng 75 percent kasama ang mga bansang Mexico, Malaysia, Afghanistan, at Ecuador para mabuo ang top 5.
Kasama sa resulta ang 39 porsiyento ng Filipino ay umaasang maganda ang mga pangyayari sa pagpasok ng taon 2023 kumpara sa 2022. At 52 percent naman ang nagsasabing magiging parehas lamang ang ating mga kalagayan, samantalang 5 percent naman ang nagsasabi na mas mahirap ang darating na 2023, at 4 percent naman ang di matiyak kung ano ang dala ng 2023.
Ganun pa man, ang kasalukuyang kalagayan ng bansa ay nasa balag pa rin naman talaga ng alanganin. Lahat ay nangangamba sa takbo ng ating ekonomiya.
Ngunit sa kabila nito, tayong mga Pinoy ay sadyang matiisin at masayahin. Nagagawa nga nating tawanan ang ating mga problema, bago pa nagawa ng yumaong si Freddie Aguilar ang kanyang kanyang kantang ‘Tawanan mo ang iyong problema’.
Paanong di natin nalalampasan ang lahat ng suliranin na ating nararanasan? Eh talaga namang bukod sa tayo ay mga matiisin, kaya nating harapin ang lahat nang buong tapang at tibay ng loob; mapanglikhang pag-iisip at diskarte.
May mga kaibigan tayong mga ‘Chinoy’ na kadalasan ay gumagabay sa tin dahil sa kanilang kakaibang paniwala. Eh di ba nga, ang sabi nila, ang 2023 raw ay Year of the Water Rabbit, kahit Ang kanilang bagong taon ay magsisimula pa lang sa January 22, 2023 (Chinese New Year).
Sabi rin ng mga Chinoy ang rabbit o koneho ay sumisimbolo raw ng longevity, peace, at prosperity. Yan ay sa kanilang kultura.
Ang sa atin naman, ay kinakain at pinaparami pa ang rabbit dahil masarap daw ang karne nito.
Nakakatawa o nakakatuwang isipin di ba? Na kahit sa anong pag-aaral o survey, at maging sa kakaibang paniniwala, nagagawa nating Pinoy na maka-diskarte para mairaos ang buhay anuman ang ating mga kalagayan, para maging masaya. Yan tayo eh!