Advertisers

Advertisers

Binata, patay sa pamamaril ng Bgy. Kagawad

0 217

Advertisers

PINAGHAHANAP ngayon ng pulisya ang isang kagawad ng barangay na namaril sa isang binata sa Barangay Roxas, Tapaz, Capiz.

Kinilala ang salarin na si Gilbert Galagate, 40 anyos, opisyal ng Barangay Roxas.

Ayon sa Tapaz Municipal Police Station, 10:30 ng gabi ng Linggo nang makarinig ng putok ng baril sa labas ng kanilang bahay ang nag-iinumang sila Carlo Bulyag, 30; at Jason Dave Decipulo, 22, at iba pa nilang kaibigan.



Lumabas ang mga ito upang tingnan, at nakita nila si Galagate.

Nabatid na sa kalagitnaan ng kanilang komprontasyon ay pinaputokan ng dalawang beses ni Galagate si Bulyag, ngunit nakaiwas ito. Sa kasamaang palad ay si Decipulo ang natamaan ng bala sa kanyang tiyan.



Dinala si Decipulo sa ospital ngunit ideneklarang dead on arrival.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na away sa lupa ang motibo ng salarin sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">