Advertisers

Advertisers

Kim paniwalang makakatuluyan na si Jerald

0 193

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AMINADO si Kim Molina na hindi niya type noon ang kanyang reel and real-life boyfriend na si Jerald Napoles na katambal niya sa pelikulang “Girlfriend Na, Puwede Na”.
Katunayan, noong nasa teatro raw sila, iba ang crush niya at hindi ang magaling na theater actor.
“Actually si Poppert Bernadas ang crush ko,” aniya. “Pero noong nag-perform si Je, sabi ko crush ko siya. Noon kasing kumanta siya, ang pogi ng dating niya. Tapos, naging leading man ko siya sa “Rak of Aegis” sa PETA. Then, magmula noon, tinukso-tukso na kami ng mga kasamahan namin. So, doon na-develop iyong friendship namin,” pagbabalik-tanaw ni Kim.
Hirit pa niya, hindi raw nila inakalang hahantong sa relasyon ang kanilang pagkakaibigan.
“Hindi namin siya plinano kasi it took us some time to make it public. Nagsimula talaga siya na walang ‘label.’ Then, one day, na-realize namin, bakit naman namin itatago?,” ani Kim.
Sa loob ng humigit kumulang na walong taon, inamin din niya na hindi naging perpekto ang kanilang relationship.
“Lahat naman ng couple, nate-test ang relationship. Nagkakaroon din kami ng misunderstanding at away na normal lang na pinagdadaanan ng mga magkarelasyon,” sey ni Kim.
Kuwento pa niya, dumating din daw sila sa puntong naghiwalay sila pagkatapos ng ilang taong pagsasama para magkanya-kanya pero nagkabalikan daw sila after three months na patunay lang na meant to be sila sa isa’t isa.
“Ang maganda kasi sa amin ni Je, bago pa lumaki ang problema, pinag-uusapan na namin siya. Open ang communication namin sa isa’t isa sa simula pa lang,” esplika ni Kim. “We eventually realized then that they are a lot of things to be thankful for sa pagsasama namin dahil patuloy pa rin kaming blini-bless ng mga projects sa Viva and we have this “The Comfort Room” podcast,” aniya.
Pagkatapos ng hit movies na “Jowable,” “Ang Babaeng Walang Pakiramdam”at “Ako at Ikaw at ang Ending,” nagbabalik ang Team Real nina Kim at Jerald sa pelikulang “Girlfriend Na, Pwede Na,” na idinirehe ni Benedict Mique (ML, Momol Nights, Wild Little Love) para sa Viva Films na palabas na sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Enero 18.
Bukod sa tambalang KimJe, kasama rin sa cast sina Gab Lagman, Tomas Rodriguez, Heart Ryan, Nicole Omillo, Andrea Babierra at Prince Stefan.