Matakot kayo sa karma…Ogie Diaz at Cristy Fermin puro kasinungalingan at Imbento ang tsika kay Toni Gonzaga
Advertisers
Ni PETER LEDESMA
GALIT na ang fans and supporters ni Toni Gonzaga kina Ogie Diaz at Manang Cristy Fermin gayundin sa lahat ng mga sumasawsaw sa maling balita, mga kasinulingan at pag-iimbentong balita kay Toni nina Ogie at Cristy sa kani-kanilang Vlogs. Kabilang na itong si Mama Loyloy (Loi) na kasamahan ni Ogie sa Vlog na ubod ng plastic din.
Imagine, matapos nilang lait-laitin si Toni at sabihin sa kanilang Vlog na pangit at cheap ang studio ni Toni sa kanyang daily reality afternoon daily talk show na “TONI,” sa ALLTV Channel 2. Hayun sina Loyloy at Ogie, go sa Presscon ni Toni sa Coffee Project Wil Tower Mall kahit hindi naman sila parehong invited.
Tapos ang kakafal ng face, tsinika-tsika si Toni at pinupuri-puri pa ito. At gusto pang interbiyuhin ni Ogie si Toni sa Vlog niya na wala siyang ginawa kundi pagtripan lagi si Toni at project nito na My Teacher with Joey de Leon sa MMFF 2022 na flop daw.
Tapos itong 20th Anniversary Concert naman ni Toni sa Araneta Coliseum ngayong Jan.20 ay mahina raw ang benta ng tickets kaya’t magpa-flop din daw. Ano kayo si Nostradamus? Hayun sinupalpal sila ng isa sa producer ng concert na si Joed Serrano na malakas ang sales ng tickets na as of presstime ay nasa 7 percent na lang ang natitirang tickets. Bakit kasi pinangungunahan at laging pinag-iinitan nina Ogie at Manang Cristy si Toni e, nanahimik yung tao at wala namang atraso sa kanila.
Saka paano nila sasabihing flop ang “My Teacher” e kumita naman ito ng halos 20 million sa mga sinehan? Sa katunayan ay no.5 spot ito sa Metro Manila Film Festival. Ginawa ring big deal ng mga ito yung pagbili ng tickets ni Mommy Pinty na sabi nila ay 500 tickets daw ang binili samantalang 350 lang.
Hellow fake news! At normal ito sa mga concert producer na tulad ni Mommy Pinty. At ito ay para sa kanilang mga sponsor, friends, relatives, ka church mates at mga fans ni Toni mula sa abroad na pinakisuyuan si Mommy Pinty na ito na ang bumili ng kanilang tickets para sa nalalapit na concert ni Toni.
Hindi ba natatakot sa karma sina Ogie Diaz at Cristy Fermin na panay imbento at kasinungalingan ang mga ginagawang isyu kay Toni.
Samantala, tungkol naman sa iniintriga nilang naging pahayag ng director husband at Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano, sa presscon nito na “Most Powerful Celebrity” ang wife na si Toni. Bakit anong mali sa sinabi ni Direk Paul na papuri niya kay Toni. E powerful naman talaga ito.
Hindi ba’t during PBMM (President Bongbong Marcos) campaign ay mag-isa lang si Toni na host sa entablado kontra sa mga ibinangga sa kanyang sangkatutak na Kapamilya stars na ikinampanya naman si Leni Robredo. Ano di ba, knockdown silang lahat kay Toni at ibinoto si Pres. Bongbong ng over 31 million Filipinos.
At sa ALLTV, sino ang nagre-reyna ngayon? Si Toni na nauungusan lagi ang views ng Tutok To Win ni Willie Revillame. Mataas ang rating ng TONI sa ALLTV at Youtube. Saka mahirap abutin ang 20 years ka sa showbiz. So hindi ba powerful yan at may staying power ang career. Kaya Ogie, Manang Cristy at Mama Loyloy tantanan niyo na si Toni para mabawas-bawasan naman ang kasalanan ninyo sa multi-talented daughter na ito ni Mommy Pinty. Kumita na kayo kay Toni sa pag-tackle niyo at lambast lagi sa kanya sa mga Vlog niyo at wala kayong narinig mula sa kanya.
Kaya mahiya naman kayo sa kapangitan ng mga pag-uugali niyo. Hindi kayo nakakatuwa, nakaka-imbiyerna kayo! Honest!